Ang Mga Iboboto Ko

by Sankage Steno

Sa totoo lang, hirap ako sa pagpili ng ibobotong senador, ha. Hindi dahil magagaling silang lahat, kundi dahil wala akong makitang maraming magaling at matino. Kakaunti pa rin talaga ang mga mabubuting tao sa gobyerno.

Anyway, after reading a lot at pagkatapos kong pasakitin ang ulo sa kakatimbang sa utak ng mga nararapat na tao para sa Philippine Senate, narito na ang aking listahan. Pinagbuti ko talaga ang pagpili dahil hindi lang kinabukasan ng bansa nakasalalay dito, pati kinabukasan ko at ng mga nakababata kong kapatid, pinsan at pamangkin.

Para sa (halos) kumpletong impormasyon tungkol sa mga kandidato, punta lang kayo sa website na ito: Kilatisin Sila

Ang aking listahan para sa pagboto sa Lunes:

  • Risa Hontiveros – E ano kung babae sya? Sya talaga nasa unahan ng listahan ko kahit pa di nya sinagot yung phone call ko nung nagtatrabaho pa ‘ko sa TV. Dapat nanalo na sya noon e. Sayang. Kung nakaya nyang ipaglaban ang RH Bill sa mga Goliath ng lipunan, kaya nyang ipaglaban lahat. Tapang, di ba? Pro-women na, pro-poor pa. San ka pa?ย I’m sure magiging malaking asset sya sa Senado.
  • Ed Hagedorn – Hindi ako naniniwalang magagawa nya sa Pinas yung ginawa nya sa Palawan, pero anong masamang sumubok? Ang taong ito ay epitome ng “Action speaks louder than words.” At dahil sa maganda niyang track record, naniniwala akong magiging mahusay syang senador. Isa pa, bagong dugo ‘to.
  • Jun Magsaysay – Alam ko masyado na syang matanda, pero hindi ko pwedeng palampasin ang malinis at magandang record niya sa pamahalaan. Kung lahat ng anak ng pulitiko e ganito, wala sanang gusot. Bukod sa magandang educational background, maganda rin yung mga batas na naipasa niya noon.
  • Teddy Casino – Ayoko sa “komunistang” pamamalakad, pero sa tingin ko e mabuting idaan ang laban sa Senado kesa sa rebolusyon, hano. Saka makabuluhan lahat ng naipasang bill ni Teddy, bukod pa sa palaban sya sa kahit sinong tiwali at abusado. Magiging vibrant at diverse lalo ang Senado kapag andun sya.

Silang apat lang ang sigurado kong ilalagay sa balota. Yung ibang babanggitin ko ay malaki pa rin naman ang tsansang iboto ko. Magaling sila, no doubt, kaya lang kasi e either may personal issues na hindi ko gusto o kasama sa isang ruling clan/political dynasty.

  • Sonny Angara – Alam ko mahirap pa rin ang Aurora kahit matagal nang namumuno roon ang mga Angara, pero ang talino naman kasi talaga ng taong ito. At aprub na aprub din naman sa akin yung mga bills at batas na naipasa nya sa Kongreso. Gusto ko rin ang plataporma nya para sa edukasyon.
  • Dick Gordon – Ayoko talaga sa kanya dahil mayabang sya at masyadong bilib sa sarili, pero hindi ko pwede itanggi na maganda ang nagawa nya sa Senado noon at sa Subic. OK din yung ginawa nya sa turismo ng bansa. At dahil results oriented at maaksyon siyang tao, baka palampasin ko na ang ugali nya.
  • Alan Cayetano – Sa tingin ko masyado nang maraming Cayetano sa Senado at sa Taguig, pero in fairness naman kay Alan, todo laban sya noon sa pinakamaliit na pangulo ng bansa. Gusto ko rin na pabor sya sa RH Law at Freedom of Information Bill. Pero kasi Cayetano sya e.

Ayoko nang kumpletuhin. Kung meron pa ‘kong ikukunsidera e baka si Samson Alcantara dahil bar topnotcher sya at magaling daw sa debate o si Bam Aquino dahil kailangan ng bata sa Senado. Kaso parang wrong timing sila pareho. Dapat napaaga yung una at medyo nagpahuli pa nang kaunti yung pangalawa.