You’re No Cory

by Sankage Steno

Dahil karamihan sa mga botante ay nakaboto na, sa wakas ay mailalabas ko na rin ang aking saloobin sa isang taong matagal ko nang gustong tirahin sa blog ko pero di ko magawa dahil dagdag publicity sa kanya yun, at ayokong mapag-usapan sya lalo.

Pero dahil patapos na naman ang botohan ngayon araw, at wala na ring magagawa ‘tong blog ko sa kanya, good or bad, na maaaring makapagdala sa kanya sa Senado, I think it’s the perfect time para tirahin ko na ang anak ng Bise Presidente ng bansa.

Sa totoo lang, may karapatang tumakbo si Nancy bilang senador. Ako rin, meron. Pero hindi ko talaga masikmurang mas mataas pa sya sa survey kesa kay Risa Hontivero na di himak namang mas deserving ng Senate seat kesa sa kanya. Porke Binay lang, panalo na agad? How bobo naman ng mga tao.

Winner?

Well, I’m pretty sure malaki ang chance na maging senadora nga ang babaeng ‘to, pero wag naman sana.

Hindi sa minamaliit ko ang pagiging P.A. nya sa kanyang mga magulang. Mahirap maging P.A. lalo na kung sa media ka nagtatrabaho. Alila ka talaga at ang liit pa ng sweldo. Saludo ako sa mga P.A., pero yung pagiging P.A. ni Nancy? No way. Hindi ko masasaluduhan ‘yan. Sasaludo lang ako dyan kapag tinutukan n’ya ko ng baril sa ulo.

Hanggang ngayon ay dumadalangin pa rin ako sa di ko nakikilalang Diyos na sana ay huwag siyang manalo.

Hindi naman sya isang Margaret Thatcher na palaban at malakas ang loob. At lalong hindi sya isang Cory Aquino na, kahit ayaw, ay napilitiang tumakbo para lang matapos na ang kasamaan at diktadurya ni Marcos.

Not a Chance

Ta’s sasabihin nya pinilit lang syang tumakbo? Hello? So, feeling nya dahil pinilit sya, Cory Aquino na agad ang peg? Unang-una, wala na si Marcos at wala nang dictatorship. Sinong diktador kinakalaban nya? Yung tatay nya? Iba ang panahon noon sa panahon ngayon. We have a working democracy now, kahit pa marami pa rin syang problema.

Pangalawa, malakas ang loob ni Cory na harapin ang mga panganib at problemang dala ng panahon nila noon. E si Nancy? Walang pinaglalaban. Ni hindi nga makuhang makipag-debate. E ano gagawin nya sa Senado kapag may pinaglalabang batas? Magtatago sa kuyukot ng tatay nya?

Kainis. Boba. May pinag-aralan naman, ayaw gamitin. Ta’s kung anu-ano pang sinasabing magiging Nanay de Pamilya ng Senado? Utot mo, Nancy! Ayaw kitang maging nanay! Yung mama at lola ko, mas deserving pang maging senador kesa sa ‘yo. Leche.