Singilan Time

by Sankage Steno

Dahil tapos na ang eleksyon, panahon na naman para maningil ang mga pulitiko sa nagastos nila noong panahon ng pangangampanya. Siguradong mangungurakot na ang karamihan sa kanila at mababaon sa limot ang mga naipangako nung nagpapabango pa lang sila sa publiko.

Pero don’t worry. Hindi lang sila ang may kakayahang maningil. Bilang botante, taxpayer o citizen ng bansang Pilipinas, pwede ka ring maningil sa mga nanalong pulitiko, lalo na dun sa mga ipinangako nilang gagawin kapag naluklok na sa pwesto.

Narito ang mga hypothetical/kunwaring sitwasyon na pwede tayong maningil sa isang naluklok na pulitiko:

  • Ipinangako ni Nancy Binay na magiging nanay de pamilya sya sa Senado. Kapag hindi nya napasuso ang lahat ng tao sa Senate o kapag hindi sya nakapamalengke, nakapagluto, nakapaglaba, nakapagplantsa, nakapag-alaga ng mga anak, at iba pang gawain ng isang nanay, pananagutin natin sya. Pwede nating ipatanggal ang dede nya, lunurin sa bleach o ipa-scrub ang mukha sa liha.
  • Ipinangako ni Loren Legarda ang luntiang Pilipinas. Kapag nanatiling maitim ang Ilog Pasig, kalbo ang mga kagubatan, marumi ang hangin sa Metro Manila, tambak ng basura ang mga estero at makalat mga kalsada, pwede nating ipasinghot sa kanya ang lahat ng greenhouse gas sa atmosphere, palanguyin sya sa dagat ng basura o pagawain ng investigative project gamit ang lahat ng basura sa bansa.
  • Ipinangako ni Alan Cayetano ang pagsagot sa PTK (Presyo, Trabaho, Kita). Kapag tumaas pa rin ang presyo ng bilihin, kapag nanatiling mababa ang employment rate, kapag marami pa rin ang hindi makahanap ng trabaho at kapag ayaw tumaas ang sweldo ng mga manggagawa, pwede natin syang pitikin sa itlog, pitikin ang bilbil hanggang mawala ito o pitikin sa ilong at tenga hanggang mamula.
  • Ipinangako ni Cynthia Villar ang hanepbuhay. Kapag hindi natin nasabing hanep ang buhay natin, kapag hindi nagkaroon ng habapbuhay ang maraming mamamayan at kapag hindi naging maayos ang kalagayan sa trabaho ng mga tao, pwede natin syang gamiting lambat panghuli ng isda, gawing araro sa pagbungkal ng mga bukid o tahiin sya kasama ng mga damit na gawang atin.
  • Ipinangako ni Bam Aquino na mamamayan muna. Kapag may ginawa syang batas na pabor sa mga dayuhan, kapag nahuli ang mga Pilipino sa mga benepisyong natatanggap sa pamahalaan at kapag hindi nya napagbigyan ang hiling ng mga tao sa kanya, pwede natin syang ibangga sa pader, ibalibag sa kabilang bakod o ipakain sa mga alagang baboy.

Marami pa pong naipangako sa atin ang mga pulitikong ito, lalo na iyong mga nasa lokal na posisyon. Ano pa ba ang ipinangako nila at ano nga ba ang nararapat na gawin nating paniningil sa kanila? Comment!