O.A.

by Sankage Steno

Naintindihan ko ang galit noon ng mga taga-Hong Kong nang mamatay yung mga kababayan nilang namamasyal sa Pilipinas na hinostage ni Rolando Mendoza sa may Quirino Grandstand noong 2010. Bopol kasi yung mga pulis na nag-handle ng hostage crisis. Naturingan pa man ding SWAT. See the news here.

Ang hindi ko maintindihan ngayon ay yung public outrage ng mga Taiwanese dahil sa pagkamatay ng isa nilang mangingisda na binaril diumano ng Philippine Coast Guard dahil nag-trespass sila sa Philippine waters, ‘yun e kung paniniwalaan ang panig ng Coast Guard. See the latest news here.

Sa nabasa kong balita kahapon, may isang OFW raw na pinaghahampas ng tubo/pipe dahil sa tindi ng galit ng mga Taiwanese sa mga Pilipino. Marami rin daw OFW ang ayaw pagbilhan sa palengke, at karamihan sa kanila ngayon ay natatakot lumabas ng bahay for fear na baka sila mapagbuntunan ng galit ng mga tao roon.

Nag-apologize na nga ang pamahalaan, nagpadala pa ng representative (wala tayong ambassador doon kasi China pa rin ang kinikilala ng Pilipinas na may hawak sa Taiwan) para personal na ipaabot ang apology ni PNoy. At balak pa ngang mag-extend ng financial support para sa pamilya ng namatay na fisherman. Ta’s lahat ‘yun tinanggihan ng Taiwan. Aba e ano pa ba gusto nila?

Ta’s ngayon, kung anu-anong parusa ang pinapataw sa bansa natin at sa mga Pilipino (travel ban, suspension of high-level exchanges, economic and trade exchanges, fishery cooperation and scientific research cooperation projects, at military drill sa katubigan malapit sa atin) kahit di naman talaga malinaw pa yung tunay na nangyari, kahit pa baka sila naman talaga ‘tong may kasalanan kung bakit namatay yung mangingisda?

Bukod pa d’yan, freeze din ang hiring ng OFWs sa Taiwan at posible ring hindi na i-renew ang kontrata ng mga Pinoy na nagtatrabaho roon.

O.A. ha.

Ganito ba talaga “ugali” ng mga bansa kapag alam nilang mas malakas ‘yung military capability nila kumpara sa ibang bansa? Kasi feeling ko kung United States, or kahit China, ang nakabanggaan nila, for sure dadaanin nila ‘to sa diplomasya at hindi sa kaliwa’t kanang sanctions at pananakot.

Bully.

Subukan lang nilang i-freeze ang hiring ng OFWs, ang bilateral exchanges natin at kung anu-ano pa nang makita natin kung sino ang mas mahirapan sa huli. Feeling siguro nila ganun karami ang manpower nila. Feeling siguro nila forever silang maunlad at uunlad pa. Tingnan lang natin kung hindi maparalisa ang ekonomiya nila kapag pinagpatuloy nila ‘tong kahibangan nila.

Tingnan lang natin.

For the meantime, ituloy lang ng gobyerno ang pagiging level-headed at diplomatic. Hindi ko talaga alam kung bakit ganun na lang katindi ang galit ng mga Taiwanese. Baka masyado lang silang bored doon at ngayon lang nakahanap ng chance na makapagpakita ng konting emosyon. Well, let them be for now.