Maliligtas ang Atheist

by Sankage Steno

Nakakagulat daw (pero di naman ako nagulat) para sa mga relihiyoso at di relihiyoso ang sinabi ni Pope Francis dun sa sermon nya kahapon sa Misa sa Roma. Kung makapagsalita naman ako parang nagsimba talaga ako dun sa St. Peter’s Square. Hindi po, nabasa ko lang dito. Mahilig kasi akong magbasa, parang ikaw. Apir!

Sabi ni Papa Francis (Papa Francis?), kahit daw di ka Katoliko, kahit pa hindi ka naniniwala sa Diyos, maliligtas ka basta gumagawa ka ng mabuti. Ang gandang pakinggan/basahin, di ba? Pero sana dinagdag na rin n’yang hindi porke Katoliko ka o naniniwala sa Diyos e maliligtas ka na. Yun panalo talaga kung sinunod nyang sabihin.

Anyway, kung seryoso kang atheists, poker face ka lang dapat sa pahayag na ‘to ng Santo Papa. Kasi kung hindi ka naniniwala sa Diyos, naturally e hindi ka rin naniniwala sa salvation, sa langit at sa impyerno. Wala kang Jesus Christ o Allah o kahit sino pang God. Wala kang religion. Hindi naman kasi religion ang atheism.

Kung natuwa ka dahil maliligtas ka kahit atheist ka (basta gumagawa ka ng mabuti), well, maybe hindi ka talaga lubusang naniniwala na walang Diyos. If that’s the case, baka agnostic ka lang at hindi talaga isang atheist. You have doubts, you have lots of question about your (previous) religion, pero hindi mo pa talaga itinatakwil ang existence ni God.

Commercial: Read this. Nakakatawa. Or not.

As for me, hindi ako naniniwala sa heaven and hell, pero naniniwala pa rin naman ako sa isang Higher Being. (Take note, the operative word in that last sentence is ‘pa.’) Ayoko kasi sa proseso ng panghuhusga na kapag masama ka, dito ka; kapag mabait ka, dito ka naman. Tao lang makakaisip ng ganyang sistema. I don’t think ganun din mag-isip ang isang Diyos.

Isa pa, kung gumagawa ka lang ng mabuti dahil ayaw mong mapunta sa impyerno or gumagawa ka lang ng tama sa mundo dahil gusto mong makapunta sa langit kapag namatay ka na, parang may mali rin. Um, hindi ko po sinasabing ‘wag mong gawin kasi mali s’ya. Ang sinasabi ko, hindi ba pwedeng gumawa ka na lang ng mabuti sa sarili at sa kapwa dahil ‘yon ang mabuti? Not because of a reward-punishment system kapag namatay ka na?

Well, again, debatable kung ano ang mabuti at masama, kasi ang morality ay based on “Holy Scriptures.” I’m not so sure about this, though. Please feel free to lambast me with corrections. Naalala ko tuloy ang tanong ng kaklase ko nung high school sa values teacher namin, parang ganito: “Pa’no mo nasabing tama ang isang bagay at pa’no mo nasabing mali? Tayo lang bang mga tao ang nagle-label nun?”

Para sa ‘kin, napakahirap nyang tanong. Hindi ko na maalala yung sagot ng teacher namin, pero alam kong hindi ako convinced sa sinabi nya. But convinced or not, hindi na mahalaga yun, I guess. Minsan kasi mas mahalaga na itanong mo na lang ang tamang tanong kesa humanap ng isang definite na kasagutan.