May Nakilala Ako

by Sankage Steno

Kanina sa sinasakyan kong van, hindi pa kami nag-uusap, pero nagkakanakawan kami ng sulyap. So tinitignan ko kung pasado ba sa taste ko ang looks. Well, kung bibigyan ko ng grade, siguro dos lang sya. Very average.

Hindi sya drop-dead gorgeous, cute lang. Medyo nadadagdagan lang ang kakyutan kapag nakasuot sya ng shades. Hindi naman ako masyadong tumitingin sa panlabas na anyo. Sa umpisa lang, syempre, pero after nun, kapag wala kang sense kausap o kapag di ko gusto ugali mo, ekis ka na. Bye-bye!

So, ayun, kanina nga kasabay ko sya sa sasakyan at isang upuan lang ang pagitan namin. Medyo dyahe nung una kasi kapag umiinom sya ng iced coffee, may simot-sarap na tunog, yung kapag paubos na yung laman at hinigop mo pa rin using a straw. Alam mo yung tunog na ‘yon? Anyway, minor lang naman sya.

Wait, alam mo bang tumigil ako sa pagtatrabaho para lang isulat ‘to? Di ko kasi mapigilan. Hi hi hi!

Back to the story. To make it short, hindi pa rin kami nagpapansinan. Puro nakaw-tingin lang. Naks! Ang arte-arte. Bilog na utot. Ta’s ewan ko ba pero bigla syang nag-umpisa ng conversation. Basta nalaman nyang nagsusulat ako sa isang sikat na publication dahil narinig nya sa pakikpag-usap ko sa isang kasama. Ayun, kinausap ko na rin si crush.

Nag-usap kami about sa trabaho namin, then napunta ang usapan kay Ambeth Ocampo na naging prof daw nya sa Ateneo. Sabi ko naging prof ko rin sya sa UP. Yes, may something in common na. Yehey! Sa loob-loob ko, wow, atenista. Pwede! E di puro about sa school naman ang topic namin. Kwento-kwento about sa shopping center at sa pamosong isaw sa UP. Ayun.

Then napunta ang usapan namin sa aso kasi may dumaang Philippine Rabbit na may cute na dog sa may bintana. Tapos nun napunta naman kay Anne Curtis. Then napunta kay Mikey Bustos. Na napunta naman sa mga Jesuits at sa religion. Na siningitan ko ng RH Bill. At napunta pa sa Iglesia Ni Cristo. Basta kung anu-ano na ang napag-usapan namin.

First meeting pa lang namin ‘yan, a. Oha!

Natuwa naman ako sa kanya kasi may sense syang kausap. Napuno ang crush meter ko sa kanya. Umalagwa dahil sa conversation namin sa buong byahe. Teka lang, ha. Wala pang spark na naganap. Saktong pa-cute na crush lang. Baka kung ano na isipin mo. Pero, pramis, kahit di sya ganun kaartistahin, pasado na.

Malande!

Inggit ka lang. At eto pa. Bago bumaba sa sasakyan, binigay ko yung card ko sa kanya. Binigay din naman nya yung kanya. Alam na! Hindi ko pa sya friend sa kahit anong social media, at lalong hindi ko pa sya follower dito sa blog, so for sure di nya to mababasa. Pero sana mabasa nya in the future. Hi hi hi!