I-Jessica Soho Mo ‘Ko, Vice Ganda

by Sankage Steno

Fatale naman talaga kasi ang joke mo, Vice Ganda. Ayan tuloy, imbey to the highest level ang mudra ng GMA News and Public Affairs. Corrected by nga naman si Jessica Soho na “rape is not a joke.” Wiz mo dapat na-say ang part about gang rape. Ayan tuloy, warla mode ang mga utaw ng GMA.

Alam mo kasi, dapat chinorva mo na lang pagiging majubis n’ya. Stop right now ka na dapat ditey. But no! Chenelyn boom-boom pow ka pa rin. Wiz mo kasi yata knows kung kelan jumigil. So now keber na muna, pero for sure i-gibsung mo rin ang side mo, ateng. Para witchikels na ang warlahan, say sorry ka na, teh.

But I have a feeling, kahit i-gibsung mo pa ang apology-ching, wititit pa rin mag-stop ang mga utaw sa pagwarla sa ‘yo. Chachakahin ka nila, imega-fall nila ang byonda mo, aunts. Mag-say sila ng kung anik-anik against you. At wiz sila mag-stop hanggat witteles ka nila mapabagsak ng boom-boom pow-chi.

Wait, na-sight mo na ba ang tweet ng mga utaw, ateng? Pak na pak! Tikbalang mode sila. Imbeynadette Sembrano ang madlang people. Itey na yata ang biggest kachakahan in your career.

I-ready mo na ang krefaz mo dahil, for sure, entourage na ang mga haterz na naka-sight ng chance para i-knockout ang ‘yong beauty. Baka Boogie Wonderland ka n’yan. Wiz mo like ‘yan, ateng. Alam mo ‘yan.

Pero alam mo, aunts, dapat warlahin din ‘yung scriptwriter-chi ng concert-bel mo. Saka dapat chorvahin din nila ‘yung mga nag-laugh sa rape joke mo. They’re all sisterets to the crime! Impak, pati aketch natawa. I’m so sorry, mudrakels ng GMA News, natawa din aketch nang fatale. But knowsung ko naman na bad s’ya. Na may mga chenez na di dapat chuvahin, like the rape joke.

Dapat siguro i-raise na ang standard-chi ng comedy-bels sa buong nationwide. Dapat i-professionalize-ching na naten ang industriyang itey. Stop na ang ka-echosan ng stand-up comedians. Wititit na ang mga charoterang epaloids na ‘yan. Keri naman ng mga comedian-chi na i-level up ang kanilang byonda. Wiz na ang pag-okray sa madlang people. You know naman, sis, pikon-chi ang mga jutaw ng Pilipinas.

So for now, kebs ka muna. Later, say sorry-chi nang boom na boom! At aketch, kahit knows kong bad s’ya, e mega tawa pa rin sa jokes mo like the rest of the madlang people. Pero i-try-lalu kong wiz i-show to others. Vavu!

Advertisements