Tell It to the Marines

by Sankage Steno

Heads must roll (Not literally, pero kung Abu Sayyaf ka, hmm.) sa hierarchy ng Marines na nasa Sulu, particularly sa Patikul. Sobrang tatanga lang kasi ng mga namumuno du’n. Either that or sobrang gagaling lang talaga ng Abu Sayyaf at napapatay nila ang pinaka-elite forces natin sa militar.

Alam mo ba nangyari? Baka rant ako nang rant dito wala ka naman palang alam. May pinatay/tinambangan na naman kasing mga sundalo natin sa Patikul, Sulu, noong Sabado. Pito ang namatay sa panig ng militar at anim ang sugatan. Eto yung balita.

Hindi na sila natuto. Taun-taon na lang may napapatay na Marines. Well, that’s part of the job naman kasi talaga ng mga sundalo, pero WTF! Marines ang pinag-uusapan natin dito. At saka ga’no ba kahusay ‘yang mga Abu Sayyaf para ganun-ganun na lang kadaling i-ambush yung mga sundalo natin?

To think na katulong pa natin ang United States sa pagsugpo sa mga terorista. Ugh!

Here’s a little bit of history para malaman mong nagiging tradisyon na natin yata ang pag-aalay ng ulo ng ating mga Marino sa Abu Sayyaf:

  • Last year lang, apat na sundalo ang napatay ng Abu Sayyaf sa Patikul nang subukan nilang bawiin ang mga hinostage ng teroristang grupo. Twenty-two naman ang sugatan. Eto po ang link.
  • Noong 2011 naman, pitong marines ang napatay ng Abu Sayyaf sa engkwentro nila sa Patikul pa rin. Dalawampu’t isa naman ang sugatan. Ang matindi pa rito, lima sa pitong napatay e pinugutan ng ulo. Eto po ang link at eto pa isa.
  • At ito ang pinakamatindi sa lahat (sana naaalala mo pa): Noong 2007, sa Lamitan, Basilan, 14 soldiers ang napatay ng pinagsamang puwersa ng Abu Sayyaf at MILF. Sampu sa kanila ang pinugutan ng ulo. Eto ang balita at ito pa.

Imagine, pinugutan ng ulo? Kapag nakakakita nga lang ako ng ulo ng baboy sa lechon, parang gusto ko nang ‘wag kumain e (pero kumakain pa rin ako kasi masarap), tapos eto ulo ng tao? My God! Nasa’n ka, God? Ano, tambay-tambay na naman? Susme! Don’t tell me God has a plan chu-chu. Anong plano n’ya sa pugutan ng ulo ng mga anak n’ya?

Sorry, nagalit na naman ako kay God. Dapat pala mas magalit ako sa mga pinuno ng sundalong ‘to na wala yatang alam sa operations nila. Hindi na natuto sa pagkakamali nila nitong mga nakalipas na taon. Kawawa lang yung mga sundalo. Karamihan sa kanila nasa 20s pa lang. Batang-bata. Yung iba naman may asawa’t anak.

Oh God. Where art thou?

To top it all off, para masulit na ang pagpatay sa mga miyembro ng ating security forces, gusto ko lang ibalita sa iyo na walong pulis naman ang napatay sa Cagayan kahapon dahil sa pagsabog ng landmine, care of the New People’s Army. Eto po ang link. Thank you very much.