Tuwing Umuulan

by Sankage Steno

sa silid ikukubli ang hiwaga
tayong dalawa
ang pinto ay nakasara
walang abala.

sa titig, lulunurin kita
ako ay mag-iiba
haplos ko’t halik, ipadadama
upang ika’y lumigaya.

lilibutin ang pagnanasa
hanggang rurok ay matamasa
lipad na, lipad pa
aah.