Pa’no Ako Mamamatay

by Sankage Steno

Sabi ni Tito Paulo Coelho sa The Alchemist, “When you really want something to happen, the whole world conspires to help you achieve it.”

Hindi ko pa gusto mamatay, kasi marami pa ‘kong kwentong hindi nasusulat. Sayang naman kung di ko makukwento, di ba? So kung gusto ko pang mabuhay nang matagal, following Coelho’s inspirational words, tutulungan daw ako ng sanlibutan. Magdilang-anghel sana s’ya.

Makailang beses ko nang naisip kung kelan ako mamamatay at kung anong paraan ako mamamatay. Dun sa kelan, may sinubukan akong website noong high school (death clock yata) at sinabi na 65 years old pa daw ako madededo (kung tama pa pagkaalala ko). Pagdating naman sa pa’no, may sinulat akong blog noon sa Multiply.

Sabi ko, gusto kong mamatay through assassination (and not murder) para kunwari high profile akong tao.

Mababaril ako sa ulo, dun sa gitna ng noo kung sa’n ka nag-i-In the name of the Father ‘pag nagsa-sign of the cross. Yes, Catholic po ang upbringing ko (or is it ‘downbringing’?). Kung susundin ko ang law of attraction, kapag lagi kong inisip ‘to, baka nga ganun ang paraan ng pagkamatay ko. Pero ‘wag naman sana soon.

Marami pang paraan para mamatay ako, at eto ‘yung naiisip kong pwede:

  • Plane crash – Kasi mahilig akong bumiyahe gamit ang promo fare ng Cebu Pac. E notorious pa naman sila sa mga engine malfunction at disgrasya. So malamang, makakatsamba ako ng isang flight na papatay sa ‘kin.
  • Collision – Hindi rin malayong mangyari ‘to kasi demonyo yata mga driver ng bus, jeepney at taxi sa EDSA at sa Commonwealth. Yung prof ko nga namatay dahil nabangga ng bus yung taxi n’ya. Ayoko pa namang malasug-lasog katawan ko, pero no choice naman tayo madalas.
  • Myocardial Infarction – Katakot ng pangalan, ‘no? Heart attack lang ‘yan. Posible talaga ‘tong mangyari considering na rich in fat, sugar and cholesterol ang diet nating mga Pinoy. Kaso feeling ko sobrang sakit nito. Medyo killing me softly ang peg.
  • Cancer – Ilang kamag-anak ko na rin ang kinuha ni Lord dahil sa sakit na ‘to. Nasa lahi siguro namin. E ayoko namang gayahin si Angelina Jolie na magpapatanggal ng chu-chu. Mahal. To begin with, wala naman akong dede. Counted ba man-boobs?
  • Choking – Siguro dahil sa katakawan ko minsan, mabibilaukan na lang ako bigla at wala ni isang tao sa paligid ang nakakaalam ng Heimlich’s Maneuver. Dahil sa isang chicken sandwich o daing na bangus, mamamatay ako.

Tama na siguro ‘yang lima. Natatakot na ‘ko sa mga pinagsususulat ko. Baka magkatotoo agad. Buset! Pero marami pa talagang paraan. Baka nga ‘yung pinakadi ko ine-expect ang maging sanhi pa ng aking kamatayan. Basta sure lang akong for now, hindi ko gagawin ang suicide. Unless kailangan kong ibuwis ang buhay para sa taong mahal ko o para sa bayan. ‘Yun, willing akong mag-suicide. Naks!

Ikaw, ano sa tingin mo pinakamagandang paraan ng pagkamatay ko? E ‘yung sa ‘yo?