Panginoong Maylupa

by Sankage Steno

Sumakit ang ulo ko sa kaka-absorb ng sangkatutak na impormasyon sa kinover kong event kanina sa isang hotel sa Makati City. About sa ekonomiya kasi, particularly sa property sector, ‘yung pinag-usapan, e weakness ko pa naman ang business writing. Hindi ko pa naman s’ya kinuhang subject nu’ng college.

Buti na lang at medyo nakakapagbasa-basa ako ng balita sa business page at maayos naman ‘yung presentation kanina ng mga information… sangkatutak na information! Nakulta utak ko sa dami ng figures at graphs. Buti na lang at me libreng pagkain. Kung wala, siguradong dugo-dugo din ang ilong ko ‘pag may time.

Pero ang pinakakinasakit talaga ng bangs ko kanina e yung choice of word ng second presenter. Dahil nga sa property ang pinag-uusapan, hindi maiwasang masali sa diskusyon ‘yung mga may-ari ng property. E sa halip na tawagin n’ya silang mga property owners o landowners, ang tawag nu’ng presenter sa kanila e ‘landlord.’

In Tagalog, panginoong maylupa.

Alam ko namang may pagka-feudalistic pa rin ang lipunan natin, pero kasi ang connotation lang ng salitang landlord sa bansa natin e to the highest level ang pagka-nega. Naiisip ko tuloy ‘yung Hacienda Luisita at ‘yung iba pang lupaing sinasaka na ayaw ibigay sa mga magsasaka o sa mga taong buong buhay nilang nagpakahirap dito.

Naintindihan ko naman si kuya sa kanyang mga ipinakitang datos, pero sobrang nadi-distract lang talaga ako kapag sinasabi n’ya ‘yung salitang landlord. Gusto ko na s’yang itama talaga kanina e, kaso lang tinamaan ako ng hiya o politeness (o tamang pag-role play kapag nasa public space ka).

Pasalamat nga s’ya at hindi ako nagsuot ng pulang shirt, naglabas ng streamer o placard at nagpiket du’n sa loob ng hotel mag-isa. Nakakahiya ‘yun, pero given the right cause and the right time, gagawin ko ‘yun. E kaso hinde. Talagang semplang lang ang pagpili ng salita ni kuya.

Inintindi ko na lang s’ya.

Kaya eto ako ngayon: nagpilit itama ang pagkakamali ni kuya sa paggamit ng “tamang” salita sa ginawa kong article. Pinaganda ko talaga ‘yung sulat ko at in-effort-an para hindi nila mapansing bobo ako sa business writing, at para na rin hindi na isulong pa sa subconscious nating mga Pilipino ang pagsamba o pagiging sunud-sunuran sa mga panginoong maylupa.

Tama na ang paghahari-harian nila. Panahon na para ikalat ang kayamanan ng bansa sa mas nakararami at mas deserving. Napakadadamot naman kasi ng iilang pamilya d’yan. Sobra-sobra na nga ‘yung natatamasa nilang biyaya, gusto pang dagdagan. Andami tuloy naghihirap lalo sa bansa. Shet, ayan na naman ang dugong aktibista ko.

I’ll stop na… Laban! (Shut up, Sankage Steno!)