Ang tatapos sa economic growth ng Pilipinas

by Sankage Steno

Kung magtutuluy-tuloy ang daang matuwid ni PNoy, e.g., tamang pagbabayad at pangongolekta ng buwis, pag-i-invest sa infrastructure at education, pagtataguyod ng mga makakatulong na polisiya, etc., for sure e aangat nang aangat talaga ang ekonomiya natin. In time, baka maramdaman na rin ito ng mas nakararami.

Isang bagay lang ang nakikita kong tatapos sa lahat ng pinaghirapan nating ‘to. Hindi ko nakikitang tao ang sisira ng nasimulan na natin, although malaking factor din syempre yung ginagawa nating mga Noypi sa ating bansa. Hindi ko rin nakikitang makakaapekto ang mga problema natin with neighboring countries para maudlot ang pag-take off ng economy.

Ang nakikita kong tatapos o pipigil sa pag-unlad natin e isang “Act of God” o “Wrath of Nature.” Pero hindi lang pangkaraniwang calamity o disaster tulad ng bagyo, pagbaha, o kahit pagsabog pa ng bulkan. Ang nakikita kong sisira sa magandang takbo ng ating ekonomiya ay ‘yung nangyayari lamang kadalasan ng once in a lifetime…

Isang malakas na lindol.

Kapag tinamaan ang Metro Manila ng isang lindol na kasinlakas nu’ng nangyari sa bansa noong 1990 o katulad nu’ng nangyari du’n sa Haiti a few years back, patay kang bata ka. Sigurado akong milyong tao ang maaapektuhan, kundi man mamamatay (kasama na ako o ikaw). Pero mas sigurado akong lahat ng pinaghirapan natin ng ilang taon e mawawala sa isang iglap.

Good luck na lang sa mga building natin sa Maynila. Kahit pa sabihing earthquake-prone ‘yan o may mechanism to withstand this or that magnitude, imposibleng walang damage na mangyari. At kahit isang building lang ang bumagsak, sigurado akong damay-damay din ‘yung mga katabi nito. Parang ‘yung nangyari lang sa World Trade Center sa New York, 9/11. Bagsak ‘yung twin towers, damay ‘yung mga katabi.

Hindi sa nananakot ako, pero parang ganu’n na nga. Nananakot talaga ako, kasi nakakatakot naman talaga kung iisipin mo. At kung hindi mo naman s’ya iisipin, pa’no ka makakapaghanda? I know hindi mo 100 percent mapapaghandaan ang isang lindol, pero siguro naman may magagawa tayo kahit konti para mabawasan ang mamamatay at para hindi mabura sa isang iglap ang lahat ng investment natin.

Just imagine kung masira ang EDSA, ang MRT at LRT, pati na rin ang mga ospital, opisina at paaralan sa Makati CBD, Ortigas CBD, Bonifacio Global City, Mandaluyong City, etc. Jusko po! Hindi ko alam kung pa’nong bayanihan ang gagawin natin para matulungan ang isa’t isa. Baka magkaroon na ng bayanihan fatigue kung saka-sakali.

Wag naman sana.

Sana hindi magkatotoo ‘tong iniisip ko. Sana ‘wag magkaroon ng isang malakas na lindol sa Metro Manila o kahit sa’ng parte pa ng bansa. Sana sa Pacific Ocean na lang s’ya tumama. Baka mas bearable pa ang tsunami. I don’t know. Pero alam kong imposibleng hindi tayo daanan ng isang malakas na lindol in our lifetime. Imposible ‘yun.