Lea

by Sankage Steno

I’m not saying she’s the best, pero I’m saying she’s the best. Labo. Wala lang kasi akong maisip na apt description sa babaeng ‘to. Tangina sa galing e. Nakabasa na naman kasi ako ng balita tungkol sa kanya. And, guess what, umani na naman s’ya ng papuri, this time, mula sa New York Times. Hindi talaga papaawat ‘tong babaeng ‘to.

Eto ‘yung link ng article.

Nu’ng bata pa lang ako, early 1990s, e naririnig ko na ‘yung pangalang ‘Lea Salonga,’ dahil sa Miss Saigon at sa That’s Entertainment. Tapos nanalo pa s’ya sa Tony Awards, which is the equivalent of The Oscars sa theater. To think na hindi naman s’ya Westerner. Sobrang nakaka-proud lang talaga na Pilipino s’ya.

Ang isa pang ikinahahanga ko sa babaeng ‘to, bukod sa pitch perfect n’yang boses, e ‘yung matindi n’yang dedication for excellence. Naalala kong sinabi n’ya sa isang interview noon (or sinabi ng tatay n’ya yata about her): My essence for living is excellence.

Para maintindihan mo lalo ‘yung sinasabi ko, watch this.

Pucha lang. At tinotoo naman n’ya talaga. O.C. na kung O.C, perfectionist na kung perfectionist, e kung perfect talaga? Hanep. Magaling umarte, magaling kumanta, matindi ang determinasyon at… matalino.

Alam mo bang nagsusulat s’ya sa Inquirer? May sarili s’yang column du’n. Sinusulat n’ya yung experiences n’ya sa pagiging artist o kaya ‘yung principles n’ya like sa equality, gay rights, etc., about her family, pati na rin ‘yung leisure time n’ya (Sinulat n’ya dati about her “addiction” to games. Shet, gamer din s’ya.).

Naiinggit tuloy ako at humahanga lalo at the same time. Taraglis ‘tong babaeng ‘to, napakaraming alam, napakaraming talent. Lahat na inangkin n’ya. Nu’ng nagsabog yata ng talent at talino ang Diyos, may dala s’yang swimming pool. Sinalo lahat. At, in fairness, pinagyaman lalo at ginamit nang tama.

Idol talaga.

And speaking of idol, sobrang natutuwa ako na kinuha s’yang judge sa The Voice of the Philippines. Makikita ko na s’ya regularly at maririnig ang mga pointers sa mga singers. Kung sakaling sumali ako du’n at natanggap, for sure s’ya pipiliin ko. For sure marami akong matututunan sa kanya. Pero dahil hanggang pangarap lang ‘yun, panonoorin ko na lang s’ya…

…At susubukang maging perfect gaya n’ya.