Hipokritong Pikon

by Sankage Steno

Isusulat ko dapat ngayon ‘yung tungkol sa nakakabwisit kong experience sa dalawang ospital (isang private at isang public) sa amin sa probinsya nu’ng Friday, pero sa tingin ko e mas mahalagang unahin ko na ‘tong isyu ni Pareng Pol Medina, Jr.

Para sa hindi pa nakakaalam, nag-resign na po si Medina sa Inquirer, kaya never na nating makikita at mababasa yung Pugad Baboy sa comics section ng dyaryong nabanggit ko. Narito ang kabuuan ng mga balita.

Kung bakit naman s’ya nag-resign e dahil sa pagiging pikon at balat-sibuyas ng ilang tao d’yan, particularly ‘yung mga nasa Christian institutions na mga hipokrito naman talaga. Eto po yung controversial comic strip na nu’ng nabasa ko e hindi naman ako na-offend (kasi nga may katotohanan talaga):

Simple lang at malutong na malutong ang laman ng resignation letter ni Medina. Sabi n’ya sa editor-in-chief ng Inquirer, “Ma’am, Sorry, I dishonored you. I resign.” Ganun lang. Ganda. Balak ko ngang gayahin e, kaso I didn’t dishonor anyone (pa) naman. Btw, I don’t think Medina dishonored anyone. Oh well.

Nagbigay na rin ng statement ang Concerned Artists of the Philippines na hindi natuwa sa nangyari dahil threat daw sa freedom of expression ang ginawa ng Inquirer kay Medina at sa Pugad Baboy. Totoo rin naman.

Akala ko ba “Fearless Views” ang Inquirer? Bakit biglang tumiklop dahil lang sa puna ng St. Scho? Marami bang graduate ng St. Scho sa Inquirer? O baka naman malaking advertiser ‘yung school kaya ganu’n.

Ito po ‘yung balita tungkol sa statement ng CAP.

Agree ako kay National Artist Bienvenido Lumbera sa sinabi n’yang ‘to:

Medina’s strip was directed in general at what he calls the hypocrisy of Catholic institutions that condemn homosexuality and discriminate against lesbians and gays. St. Scholastica’s College was cited only to give an example but is not the exclusive subject of the criticism.

Apparently, pikon ang maraming tao sa Pilipinas. Tatawa sila sa joke ng isang tao kapag hindi sila ‘yung pinatatamaan, pero kapag nahagip sila ng joke at naging kasangkapan nito, lintik lang ang walang latay. E di mga hipokritong pikon nga. At dahil sa reaction ng mga tinamaan ng joke, lalo lang nilang pinatunayan na may katotohanan ang sinasabi sa Pugad Baboy strip na lumabas last week.

Akala ko tapos na ang pakikipaglaban para sa kalayaan sa pamamahayag matapos mapatalsik si Marcos. Hindi pa pala. Mas garapalan pa ngayon dahil ‘yung mismong dyaryong lumaban sa distadurya ang kasangkapan ngayon sa pagsikil ng kalayaang ito. Nakakalungkot. Nakakapanginig ng laman.

Another moment I’m not proud of the Inquirer.

Pol, kasangga mo ‘ko. This country definitely needs to be more mature and less sensitive-melodramatic. Pweh!