3 Ways to Know If You’re Straight

by Sankage Steno

Hindi porket nagdadamit ka nang naaayon sa iyong kasarian e ibig sabihin straight ka na. In the same vein, hindi porket nagdadamit ka ng katulad sa opposite sex e homosexual ka na. Dahil blogger ako (as if credential enough ‘to), let me tell you kung pa’no malalaman na ikaw nga ay straight at hindi gay.

Kailangan mo lang namang sagutin ang tatlong tanong na ito para magkaalaman na. Don’t worry, you don’t have to share your answers with me. Alam mo na, mahirap maging straight sa mundong puro gay ang karamihan. Baka i-discriminate ka ng mga tao, ma-reject, masaktan o mapalayo sa mga taong mahal mo kapag nalaman nilang straight ka.

Malaking tulong na ngayon pa lang ay i-settle mo na ang iyong sexuality. Here are the questions that you should answer (covertly or otherwise, it’s your choice):

1) Do I get attracted (sexually, ha?) to the same sex?

Kapag ang sagot mo sa tanong na ito ay “Hinde! Tangina, kadiri kaya.” Well, isa lang ang ibig sabihin n’yan: Straight ka nga!

Kapag ang sagot mo naman ay “Yes, nagkakagusto ako sa ‘kabaro’ ko.” Then, isa kang bakla o tomboy. (Saka na natin bigyang paliwanang ‘yung iba pang gender. Masyado kasing malawak ang spectrum n’yan.)

2) Do I get attracted (sexually, ha?) to the same sex?

Kung ang sagot mo sa tanong na ‘to ay “No, ano tingin mo sa ‘kin, bading/tongril?” Straight na straight ka nga, pare/mare ko.

Kung ang sagot mo naman e “Sometimes, oo, sometimes, hindi. Depende sa personality n’ya.” Ay, day! Bading/Tongril ka pa rin. Siguro bisexual, pero most likely homo ka na hindi pa fully developed (read: in denial).

3) Do I get attracted (sexually, ha?) to the same sex?

‘Pag sinagot mo sa tanong ay “Excuse me? Hindi ako papatol sa kauri ko.” Most likely e straight ka nga.

‘Pag sinagot mo naman e “Oo, pero hindi sa lahat, ha? May taste naman ako saka hindi ako pokpok.” Syempre, obviously,  homosexual ka nga. Nabibilang ka sa mga milyun-milyon (o bilyun-bilyong) tao sa mundo na homo rin.

That’s all, folks.

Actually, pwede ko pang dagdagan ‘yung mga tanong na ‘yan, pero I need to be brief sa blog ko dahil pangit ‘pag sobrang haba. I hope you answered honestly sa tatlong tanong na ‘yan. Mahirap s’yang sagutin pero hindi naman imposible.

Bridge: Kung sasabihin mo namang “confused” ka, isa lang ibig sabihin n’yan, you’re gay, period. Kasi ang pagiging confused ay isa lamang pinagandang salita sa mga homo na gustong maging straight (kasi non-conformist sila).

Once nasagot mo na lahat at nasigurado mo na sa sarili mong straight ka, panahon na para sagutin ang huling tanong na ‘to (which is definitely the hardest question of all):

When did you decide to be straight?