Pulis na Walang Batuta

by Sankage Steno

Technically, hindi pa sila pulis kasi magte-training pa lang dapat. Sabi kasi sa balitang ‘to (101 of 363 cadets quit PNPA training), nag-quit nga raw ‘yung mga aplikante two days after ng orientation. Interesting, di ba?

Sa mga ganitong balita ako napapaisip pa kung bakit? Anyare? Sayang naman. Nag-apply pa sila kung magku-quit din lang agad? Ano ‘yun, lokohan? Parang tanga lang. Well, nagawa ko na rin naman ‘yan before. Sinubukan kong sumali sa CAT nu’ng high school kasi halos lahat ng kaklase kong lalaki e sumali.

Nu’ng second day, nag-quit na rin ako. Anlakas kasing makapag-power trip nu’ng mga upperclassmen. E ma-pride ako. Ayokong nasusugatan ego ko nu’n (Actually, kahit ngayon ayoko pa rin naman. Sino bang me gusto?) dahil lang sa suot kong relo na namana ko pa sa papa ko (if my memory serves me right). Ayun, sinabi ko na lang na ayoko na dahil sa “hika” ko. Quitter ako, shet!

Ang pathetic lang ng excuse ko. Pumayag naman ‘yung Corps Commander.

Anyway, back to the PNP applicants, marami akong haka-haka kung ba’t sila nag-quit. Pwedeng hindi nga nila kinaya ‘yung matinding physical conditioning training na pagdaraanan sa umpisa. Baka daig pa nu’n ang hazing sa mga fraternity kaya hindi na nila tinuloy. FYI, may “hazing” talaga sa military at police training.

Kung ito nga ang tunay na dahilan, hindi ba in-expect ‘yun nu’ng mga nag-apply at pumasa sa initial examination? Anong inisip nila, na bibigyan sila ng hotel accommodation at pakakainin ng masasarap na pagkain? Hibang ba sila? Anlaki namang katangahan sa part ng mga nag-quit kung bakit hindi na na-consider ‘yun.

Pero I doubt kung ‘yun nga talaga ang dahilan.

Ang pangit kasi sa balita, wala man lang kinuhang statement sa panig ng mga nag-quit. Basta sinabi lang na maraming umalis matapos ang orientation. Ang gulo lang. Mahirap din kasing intindihin ‘yung story lalo pa’t di mo naman alam kung taun-taon ba e ganu’n karami ang nagku-quit sa mga aplikante. Kung normal lang ba ‘yun.

So, naisip ko, baka naman may ginawang kabalbalan ‘yung trainer nila. Siguro may sinabing offensive o insensitive. Baka sinabi n’yang, “Hoy, bawal bakla dito!” E puro bakla pala ‘yung nag-apply. O kaya naman e, “Hoy, bakla ako!” Ayun, lalo tuloy natakot ‘yung mga aplikante. Either way, napaka-insensitive sa, una, part ng trainer at, pangalawa, sa part naman ng mga aplikante.

Pwede ring ang dahilan e nilagyan ng lason ‘yung pagkain nila. Karamihan e nagka-LBM kinabukasan, at ‘yung mga matitibay ang sikmurang hindi tinablan ng lason e silang mga natira na lamang, which is nasa 262. Hindi ko alam sa pagkain ng mga sundalo at pulis, pero I guess mas luto lang nang konti ‘yun sa mga binibigay sa preso.

Lastly, feeling ko may nangyari talagang anomalya e. Baka pinilit silang sumailalim sa virginity test. Baka lahat sila e kinailangang ma-devirginize muna ng upperclassmen na mga pulis in training, or baka required na maghubad silang lahat at magpaano … ‘yung ano … basta ganu’n. Magpapaganu’n sila siguro dapat para maka-advance sa next stage ng trainng. E mahirap nga ‘yun.

Tae, kung anu-ano naiisip. Kung bakit naman kasi nilabas ‘tong kulang-kulang na balitang ‘to. Baka hindi sanay masyado ‘yung editor. For sure, hindi sanay magsulat ‘yung reporter na nagsulat. Kainis!