Mambuntis at Magpabuntis

by Sankage Steno

Nabasa ko na ‘yung Inferno ni Dan Brown, at, in fairness, kahit predictable na ‘yung writing style n’ya sa ‘kin, may mga kagulat-gulat pa ring twists and turns dito sa huli n’yang book. Given pa rin naman ‘yung exceptional research na ginawa n’ya. Pero mas bumilib ako sa mga questions of morality na pinresent n’ya.

This is a spoiler so stop reading at this point kung may balak kang basahin ang libro.

Ang pinaka-threat ngayon sa libro n’ya ay hindi isang secret na ayaw ibulgar ng isang secret society. Ang lumalabas na kalaban ngayon sa kwento n’ya ay, guess what, tayo mismong mga tao. Specifically, overpopulation.

Malthusian

Kung susundan daw ang math ng pagtaas ng populasyon natin, hindi magtatagal at lolobo nang lolobo ang dami ng mga tao sa mundo hanggang sa kulangin na ang resources natin at tuluyan tayong ma-extinct as a species. Ang mangyayari, it’s an implosion. Hindi nuclear bomb o virus o war ang tatapos sa lahi natin, kundi tayo mismo. Ang hindi makontrol na pagdami ng mga tao.

Ilagay ko muna sa local context. Sa Pilipinas, asset ngayon ang malaking populasyon dahil maraming manpower at maraming pwedeng pagbentahan ng goods. So para sa mga kapitalista, negosyante at ekonomista, magandang balita ‘to. Pero take a look at this:

Noong 1950s, nasa 27 million lang ang populasyon natin. Ngayon, matapos ang anim na dekada, nasa mahigit 90 million na tayo. Imagine, 60 years lang ang binilang at lumobo tayo nang mahigit tatlong beses. At kung magpaparami pa ‘yung 90 million na ‘yan, just imagine kung ilan pang Pilipino ang madadagdag in another 50 years!

Kaya ba natin?

Ang tanong: Kaya ba ng resources natin na suportahan tayong lahat? Ang sagot: Kaya pa naman. Ang tanong ulit: Magiging equal ba ang distribution ng resources? Ang sagot dito: Ewan. Maaaring oo, maaaring hindi, pero pupusta ako sa hindi. Imposibleng maging equal ang hatian ng resources sa bansa. For sure, may manlalamang at may kukulangin.

Ngayon, palakihin natin ang stat. From the Philippines, gawin nating mundo. Ngayon ay nasa 7 billion na tayo. Add another five decades at baka hindi lang isang bilyon ang madagdag kundi baka dalawang bilyon pa.

Ang sabi sa libro ni Dan Brown, which is hindi ko na nave-verify kung totoo, ang capacity lang daw ng mundo natin para suportahan nang maayos ang mga tao ay 4 billion. Halos doble na tayo ngayon nu’n, at ramdam na sa ibang panig ng planeta ang kahirapan, which is greatly caused by greed and bad economics.

Viral Vector

Ang solusyon ng “kontrabida” sa nobela is the equivalent of a modern black plague. Nu’n daw kasing nagka-plague sa Europe noong Medieval Period, milyon ang namatay, at nakatulong daw ang pagkonti ng populasyon para “maka-recover” ang mundo at dumami muli ang resources. Dahil dito, nagkaroon ng Renaissance. Umunlad lalo ang Europe.

Totoo namang kapag konti lang ang nakikinabang sa isang bagay, hindi ito magkukulang. Imagine a fish pond. Kapag sobrang dumami ang laman nitong mga isda, of course, made-deplete ang oxygen at food. Magkakaroon ng massive fish kill. Ilang beses na natin ‘tong nakita sa balita. At posible ‘tong mangyari sa mga tao.

Ang tanong: Are you willing na “bawasan ang populasyon” para sa ikatatagal ng ating species sa mundo? Kung papipiliin ka: Hawak mo ang switch na magpapakalahati sa populasyon, pipindutin mo ba? Pipigilan mo ba ang pagdami ng mga tao (either through another plague or centralized contraception, whatever)?