Intense

by Sankage Steno

Anlakas ng dagundong dito sa Facebook at Twitter dahil sa NBA Finals. Lahat kabado. For sure lilindol na naman mamaya dahil sa aftershock ng laro. Intense!

Pero habang intense ang lahat sa labanan ng mga Amerikanong basketbolista sa U.S., intense din naman ako sa kinauupuan ko dahil sa balitang tumambad sa ‘kin ngayong umaga. Sigurado na kasing tataas ang pamasahe sa MRT at LRT ngayong taon. Limang piso ang idadagdag sa pamasahe by August.

Tapos by next year, tataas ulit ng another P5.

Hindi pa ako sure na sure sa figures, pero narito po ang matrix ng bagong pamasahe for single-journey tickets ngayong 3rd quarter (I’m not talking about the NBA Finals.) of the year (Again, tataas pa s’ya next year.):

Para sa MRT (North Avenue – Taft Avenue) 17 kilometers

  • P15
  • P20
  • P25

Para sa LRT-2 (Santolan – Recto) 13.8 kilometers

  • P15
  • P20
  • P25

Para sa LRT-1 (Baclaran – Roosevelt) 20.7 kilometers

  • P15
  • P20
  • P25
  • P30

Dapat kasi 2011 pa ‘tong increase, pero dahil nagtaasan ang presyo ng bilihin noon, pinigilan ni PNoy. Ngayon, dahil mas stable na ang inflation rate, itutuloy na talaga ang pagtaas ng pamasahe.

Mas mura pa rin naman daw ‘to kumpara sa pagsakay sa bus. Oo, bababa nang konti ang bilang ng mga sumasakay sa tren, pero tataas din daw kalaunan dahil mas mabilis pa rin sumakay dito. Ang problema lang, mas magiging komportable naman ba? Baka naman tumaas na nga ang pamasahe, pahirapan pa ring sumakay.

Ang pinakanakakalungkot pa rito, ‘yung dating binibili nating stored value e lalong bababa ang value. Kung dati, napapatagal ko s’ya nang hanggang pito o walong sakayan, magiging apat o lima na lang ngayon. Ang masakit pa nito, mawawala na ang free ride. Ine-aim ko pa naman lagi ‘yung piso na lang ang laman pero dulo’t dulo pa ang biyahe ko.

Kainis!

Puwes, titigilan ko na ang pang-iinis sa sarili sa pagsusulat nitong blog ko. Babalik na lang ako sa pag-a-update ng sarili sa nangyayaring NBA Finals. Close fight. Magpapaka-bandwagoneer muna ako ngayon para hindi mapag-iwanan. “Heat me baby one more time!” – Britney Spurs.