Sex for Flight

by Sankage Steno

Hindi ‘to ‘yung nagaganap between the pilot and the flight attendant, although isa rin ‘tong realidad sa ganitong industriya. Ang tinutukoy ko e ‘yung pumutok na balita nung isang linggo tungkol sa mga overseas Filipino workers na ginagahasa diumano ng mga opisyal sa mga embahada natin sa Middle East.

See the stories here and here.

Si Rep. Walden Bello ng Akbayan party list (Salamat sa isang ‘to at nabalik ang tiwala ko sa mga party list.) ang nagsiwalat ng masamang balitang ‘to. To say na masama s’ya is an understatement. Bakit kamo?

Imagine this: Nagtrabaho ka sa ibang bansa na iba ang kultura, iba ang klima, iba ang relihiyon, iba ang batas at iba ang hitsura ng mga tao. Wala kang kaibigan o kakilala. Nakipagsapalaran ka. Sa kasamaang palad, napunta ka sa malupit na amo. Alila ka na nga, sinasaktan ka pa, inaabuso, pinapahiya at hindi pinapasweldo.

Kinuha pa ang passport mo.

Nakatakas ka. Swerte pa ‘yon dahil kinulong ka ng amo mo na parang aso. Swerte kasi hindi ka na makakantot ng amo mong mabaho. Swerte kasi malaya ka na sa wakas. Anong una mong naisip gawin? Pumunta at humingi ng tulong sa Philippine Embassy. E di pumunta ka nga roon kahit nilakad mo lang.

Pagdating mo sa embahada, sa halip na tulungan ka, pinabayaan ka lang. At ‘yung mas minalas pang Pinoy doon, matapos balewalain, biglang inofferan ng tulong, pero may kapalit. Ano ‘yun? Sex. Kantot. Sabi ng opisyal du’n, kapag hindi ka nakipagkantutan sa kanya, hindi ka bibigyan ng pera para makabalik sa Pilipinas.

Between your malupit na amo at ‘yung rapist na embassy official, sino pipiliin mo?

Wala kang choice kundi pumayag sa sex (o rape) kasi, at least yun, isang bagsakan lang (or maybe not), tapos makakauwi ka na sa bansa natin para makapagsimula ulit. Choose the “lesser evil,” ika nga. Anong nangyari sa ‘yo? Pinahirapan ka na nga ng amo mo, ‘yung inasahan mong tutulong sa ‘yo e lalo ka pang pinahirapan. Bukod d’yan, binaboy ka pa.

Hindi ‘to fiction. Hindi ‘to pelikula. Totoong buhay ‘to.

Sigurado akong matagal na ‘tong nangyayari, pero ngayon lang naulat dahil sa mga makapangyarihang tao sa DFA, OWWA, etc., at dahil na rin sa takot dala ng matinding trauma na idinulot sa mga kawawa nating OFWs.

Sila na nga ‘tong nagpapalutang sa ekonomiya natin at bumubuhay sa maraming Pilipino sa bansa, sila pa ‘tong inaabuso lagi at pinapahirapan. Ang pinakamasakit pa, kung sino ang inaasahan nila at dapat tumutulong sa kanila ay sila pa ‘tong pasimuno sa kahayupan at katarantaduhan. Tanginang buhay ‘yan.