Rainy Day Quiz

by Sankage Steno

Please bring out a piece of paper and a pen. One seat apart. Put all your belongings under your chair. If you have questions, ask me, not your seatmate. Passing grade is 60 percent. You have 10 minutes to finish this test. Your time starts now.

1. Giniginaw ako. Pwede bang magpayakap?

a. Sure, lapit ka sa ‘kin.
b. Ayoko nga. Gusto ko ikaw ang yumakap sa ‘kin.
c. Di ba pwedeng quid pro quo na yakap?
d. a and c

2. Inaantok ako. Pwede bang sumandal sa balikat mo?

a. Sa balikat ko? Ayaw mo sa hita ko?
b. Sandal lang? Pwede rin kitang yakapin.
c. Sige, pero pagkatapos mo, ako naman.
d. Ayoko. Sa kwarto na lang tayo pareho.

3. Sige na naman. Kahit isa lang, pa-kiss.

a. Isa lang, ha?
b. Saan muna? Sa cheek o sa lips?
c. Kailangan ko bang pumikit?
d. Ilang seconds? Minutes?

4. Pwede ba tayong kumain sa labas?

a. Umm … kasi, ano … um … sige na nga.
b. Umm … kasi, ano … um … kelan ba?
c. Umm … kasi, ano … um … saan naman?
d. All of the above

5. Tayo na ba?

a. Matagal na, di ka na-inform?
b. Tinatanong pa ba ‘yan?
c. Kelan ba naging hindi tayo?
d. Ang dapat mong tinatanong, “Will you marry me?”

Finished or not, pass your papers!