Catholic Priests Should Be Allowed To Get Married

by Sankage Steno

Simple lang ang mga dahilan ko kung bakit dapat payagan na ng Simbahang Katolika ang mga pari na mag-asawa, pero bago ko sabihin kung anu-ano ‘yon, sasabihin ko muna kung ano ang dahilan nila kung bakit hindi dapat mag-asawa ang mga pari.

Una, sabi ni San Pablo sa mga taga-Corinto (1 Cor. 7:7-8):

Indeed, I wish everyone to be as I am (a celibate), but each has a particular gift from God…. Now to the unmarried and to widows I say: it is a good thing for them to remain as they are, as I do.

Idinagdag pa n’ya sa 1 Cor. 7:32-34:

An unmarried man is anxious about the things of the Lord, how he may please the Lord. But a married man is anxious about the things of the world, how he may please his wife, and he is divided.

I sometimes love to be uncouth so please bear with me sa susunod kong argumento na ad hominem. And this is my first reason as well: Bakit mo idedepende ang isang religious tenet sa isang sulat lamang? Bakit mo ipipilit ang gusto ng isang dating Christian executioner sa lahat ng tao?

Kung gusto ni San Pablo na maging celibate, choice n’ya ‘yun at nirerespeto ko. Pero hindi naman n’ya dapat ipilit o ipataw ‘yun sa ibang tao. Wala namang masama sa pagiging single. Pero wala ring masama kung mag-aasawa ka.

Para kontrahin ang sarili kong argumento, maling idahilan na dahil dating makasalanan (o may kapintasan) ang isang tao e mali na agad ito. Isa pa, inspired by the Holy Spirit ang mga nakasulat sa Bible. Oh well.

Eto naman ang mas praktikal na dahilan na sinabi ni Jesus sa Mt. 19:29:

And everyone who has given up houses or brothers or sisters or father or mother or children or lands for the sake of my name will receive a hundred times more, and will inherit eternal life.

Siguro gustong sabihin ni Jesus na kaya mo kailangang iwan ang ibang bagay kung susunod ka sa kanya ay para maibigay mo ang buong atensyon at commitment mo sa Diyos at sa simbahan. Tama nga naman. Mabigat kasi ang trabaho ng mga pari at magiging sagabal lang ang buhay na may pamilya.

Eto naman ang sagot ko kay Jesus: Bakit ang mga doktor, abogado, CEO at iba pang propesyonal, nagagawang pagsabay-sabayin ang kanilang career/trabaho, pamilya (iba pang pamilya), hobbies/passion, etc.?

Hindi naman dahil magpapakasal ka ay mawawalan ka na ng panahon at commitment sa iyong “profession” o “vocation.” Proper time management lang ‘yan, tsong.

Ang ikinakainis ko pa, ang lakas ng loob at ang kampante ng mga pari na magsermon at mangaral tungkol sa buhay pamilya, buhay may-asawa, sa pagpapalaki ng anak, atbp samantalang wala naman silang sariling pamilya, asawa o anak! Wala silang first-hand experience. (Unless meron silang inanakang iba na alam naman nilang bawal.)

In other words, wala silang credibility sa kanilang itinuturo.

Depensa pa ng simbahan, palipat-lipat daw ng lugar o parokya ang mga pari kaya mahihirapan ito kung magkakaroon ng asawa at anak. Fine, that’s a good argument, pero madaling solusyonan.

Ang sagot ko, ilang pamilya ba sa Pilipinas na ang isa o parehong magulang ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho bilang OFW? Kung pinoproblema ng simbahan ang distansya, maraming pamilya ang nakakaya ang long-distance relationship. Isa pa, pwede namang mag-relocate lagi ang pamilya kung gusto talaga nilang magkasama.

Marami akong kilalang pamilya na lumipat sa ibang lugar o ibang bansa dahil andun ang trabaho ng mga magulang.

Eto pa ang argument ng simbahan:

It gives the priest greater credibility when he asks the laity to make sacrifices, because the laity knows that celibacy involves sacrifice.

While it is true that celibacy involves sacrifice, hindi ba ang pagpapamilya o pagkakaroon ng responsibilidad sa asawa at anak ay maituturing din na isang sakripisyo? Mas malaking sakripisyo nga itong maituturing, at feeling ko, lalong magiging mabisang pari ang kasal na pari dahil may pinaghuhugutan ito ng lakas at inspirasyon para lalong magsakripisyo, not to mention the real experiences he’ll get.

At ito ang pinakaikinanganga kong argument nila. Galing ito sa Mt. 22:30:

It’s a foreshadowing that there will be no marriage in heaven.

Ang sagot ko: E ano kung walang kasal-kasal sa langit? Nasa langit ba tayo?