Don’t “Sir” Me

by Sankage Steno

I know this is a long shot, lalo pa sa ‘tin na part na ‘to ng kultura, pero susubukan ko pa rin. Wala namang masama kung susubukan, di ba? Or meron? Let me know para hindi ko na ipilit.

I’m addressing this blog to my former students at sa lahat ng mga nakakakilala sa ‘kin, pati na rin ‘yung ibang “gumagalang” sa ‘kin. Hindi ko naman sinasabing bastusin n’yo ko, pero kung kabastos-bastos naman ako, why not?

Simple lang naman ang hiling ko sa inyo: Please huwag n’yo na akong tatawaging “Sir.”

Bakit? Kasi, unang-una, hindi na ‘ko nagtuturo. Hindi n’yo na ‘ko “prof” so it’s not appropriate to call me “sir” anymore. At lalong huwag na huwag n’yo kong tatawagin na “Sir Steno” kasi hindi naman ako knight.

Pangalawa, ayokong magpatawag na “sir” kasi feeling ko lalo akong tumatanda. Alam kong mukha pa rin akong bagets (naks) pero alam ko rin namang ilang taon na lang at maglalabasan na ang mga signs of aging sa katawan ko. Konti na lang at magmumukha na akong 20 years old.

Not that I’m complaining. Ayos lang naman sa ‘kin ang tumanda, basta isip-bata pa rin minsan. Minsan lang. Mahirap din namang tumanda nang paurong, lalo na kapag ang trabaho mo e often involved sa mga isyu ng matatanda. Baka mawalan ako ng pagkakakitaan.

Pangatlo, huwag n’yo na ‘kong tawaging “sir” kasi it instantly creates a barrier na parang sinasabing “Hoy, mas mataas ako sa iyo kaya galangin mo ‘ko.” I don’t think respect works that way. Naniniwala pa rin akong respect has to be earned, not to be imposed.

So anong itatawag n’yo sa ‘kin?

E di “Master” na lang.

Joke! Gagi, biro lang ‘yun. Tawagin n’yo na lang ako sa pangalan ko o sa palayaw. First name basis tayo, o kaya naman (dahil nasa Pilipinas) e nickname basis para masaya. Subukan lang natin. Let’s give each other a chance. Love takes time. Ano raw? So ano, is it a deal? Ayos ba?

Kung hindi, okay lang. Kung oo, apir! Kung naiilang ka, just remember that practice makes perfect.