Silang Mababait at Maliligtas

by Sankage Steno

Simula na ng bakbakan para sa RH Law sa Supreme Court. I’m sure mabubuhay na naman ‘tong usaping ‘to in the coming days. Para sa mga mangyayari ngayong araw, unang magsasalita kasi ngayon ang mga kumakalaban sa batas na ‘to, kasunod naman ‘yung mga sumasangayon. Kilalanin natin muna sila.

The Contenders

Para sa mga anti-RH Law, unang magsasalita sina former senators Francisco Tatad at Aquilino Pimentel, Jr. Susundan sila ni Ma. Concepcion Noche, isang abogado; Luistro Liban at Luis Gil Gana.

Para naman sa mga supporters ng RH Law, magsasalita sina Albay Rep. Edcel Lagman; mga dating health secretaries na sina Esperanza Cabral, Jamie Galvez Tan at Alberto Romualdez; Joanne de Venecia and co.; si senador Pia Cayetano; at dalawang organizations: The Filipino Catholic Voices for Reproductive Health Inc. at ang Interfaith Partnership for Responsible Parenthood Inc.

Good vs. Evil

Ilang beses ko nang pinagtanggol ang RH Bill/Law sa blog ko kaya hindi ko na uulitin pa rito. Wala na ‘kong pake kung gusto n’yong makipag-sex nang walang proteksyon o gusto n’yong makipag-sex pagkatapos ng kasal lamang o kung ayaw n’yo talagang makipag-sex habambuhay. Choice n’yo ‘yan, at ginagalang ko.

Pero sana lang, itigil na ng mga anti-RH ‘yung paggamit as argumento ng “mabubuti” laban sa “masasama” at ‘yung pag-quote nila sa Bible para sabihin kung sino ang maliligtas at hindi maliligtas. Ang kitid naman ng utak mo kung ganito ka mag-isip as an anti-RH individual. Pwede naman kasing labanan ang RH Law nang hindi gumagamit ng religious eklavu.

May mga kilala akong anti-RH na mabibigat at matatalino ang arguments na napapaisip talaga ako sa stand ko. Sana ganun ka rin kung ayaw mo sa RH Law. Hindi ‘yung sasabihin mo lang na masama ‘yan or against ‘yan sa Bible. Hello? E kung di ako naniniwala sa Bible, anong laban ng argument mo sa ‘kin? You’re not gonna convince me.

Save Yourself

As for the maliligtas part, I’m not so sure kung may salvation talaga. I’m not even sure kung may heaven or hell or life after death. I don’t even care anymore about my own salvation. I’m living in the present at hindi sa isang fictional future na mangyayari kapag namatay na ako. May mga problema tayo sa kasalukuyan at ‘yun muna dapat, kasi kung di mo maaayos ang present, how can you even think of the future, much more about salvation?

Well, kung sa tingin mo ay hindi ako maliligtas sa mga pinagsasasabi ko, again, I respect your opinion. Sana lang kapag namatay ka e maligtas ka nga. Don’t worry about me. Okay lang sa ‘kin na mawalang para bula o mapunta sa impyernong sinasabi mo. I guess I deserve that; after all, pinaglaban ko ang paniniwala ko kahit “mali.”

Maybe I should start abandoning all hope as well.