Sinungaling na Burger

by Sankage Steno

I want my money back! You, sanamabits! Sinungaling! I heychu! I heychu!

Grabe lang. Binalak ko lang namang magpabarya ng sanlibo ko kagabi, tapos eto pa ang sinapit ko sa kamay ng isang di naman ganun kasikat na “fast food” chain? Bakit kasi di ka na lang magsara? Wait, I take that back. Maraming mawawalan ng trabaho. Ba’t kasi di mo na lang gandahan ang serbisyo mo?

Teka, sorry, nadala lang ako. Aayusin ko na ‘yung blog ko para maintindihan mo lalo ‘yung nangyari sa ‘kin kagabi.

E di ‘yun nga, balak kong magpabarya ng pera, so nag-decide ako na lumabas para mag-take out ng pagkain. Sa halip na pumunta sa No.1 o No.2 fast food chains sa bansa, nag-settle ako du’n sa isang hindi ko na lang muna sasabihin. Natukso kasi ako du’n sa poster nila sa labas na malaking burger na may bacon at mushroom at cheese.

Biglang liko ngayon ako sa paglalakad at pumasok du’n sa di masyadong sikat na fast food chain. May pila na agad, so naisip ko, wow, maraming kumakain. Akala ko laos na sila, pero hindi pa pala. Marami pa rin pala silang customers. Natuwa naman ako at bahagyang tumaas ang expectations.

Habang nakapila, napansin kong maraming customers ang bumabalik sa counter para i-follow up ang mga inorder nila. Du’n ko lang napansin na parang aligaga nga ‘yung service crew nila. Kumukuha ng order, ta’s biglang itatawag ‘yung pina-follow up ng ibang customer, iiwan ‘yung umoorder at iche-check kung nagawa na ‘yung nauna.

Ilang beses na nagkaganun kaya medyo natagalan ako sa pila. Nu’ng turn ko na, sinabi ko ‘yung order ko, isang burger combo meal, then nagbayad ng kulang P200. May kamahalan s’ya so inexpect kong mas masarap s’ya sa special burgers ng No.1 at No.2 fast food chains.

Mabilis namang naibigay ‘yung fries at Sarsi ko, pero antagal du’n sa burger. Sa halip na bigyan ako ng number para makaupo muna habang naghihintay, hinayaan lang nila akong nakatayo sa harap ng counter.

May mga customer na namang nag-follow up ng orders nila. ‘Yung manager, andu’n at “tumulong” na sa crew, pero mukha s’yang tanga na alam naman ang gagawin pero parang natatakot sa mga naiinis nang customer. Hindi rin s’ya nakatulong para mapabilis ang service dahil nakatayo lang s’ya du’n at nagtatanong kung okay na.

After a few more minutes, dumating na ‘yung burger ko na muntik pang maibigay sa ibang customer dahil ‘yung nagse-serve sa ‘kin e may bago nang customer na pinagsisilbihan. Buti na lang at naagaw n’ya sa kanyang katrabaho ‘yung burger na para sa ‘kin talaga.

So happy na ‘ko kasi nakuha ko na ‘yung binili ko at nabarya na rin ‘yung pera ko. But shortlived lang pala ang kaligayahan ko, parang pag-ibig. Weh?

Pag-akyat ko sa bahay, tinira ko agad ‘yung fries. Masarap naman kasi “malaman,” kaso mukang peke ‘yung “balat” kuno ng patatas na nasa dulo ng bawat hiwa ng fries. Hinayaan ko na lang. Ngayon pa ba ako magpapaka-O.C.? So pinuntirya ko na lang ‘yung main dish, which is ‘yung burger.

Lintek!

Pagkatanggal ko nu’ng wrapper, grabe, apakaliit ng laman! Sobrang layo du’n sa nakita kong hitsura n’ya sa poster. As in ibang-iba talaga. Nangalahati yata ‘yung size, lalo na ‘yung burger patty. Parang ‘yung patty lang sa Angel’s Hamburger na Buy 1, Take 1. Well, sana ‘yun na lang ang binili ko. Mas nabusog pa siguro ako. Higit sa lahat, mas nakatipid pa sana ako.

To add insult to injury, hindi pa mainit ‘yung sinerve sa ‘king burger.

Tangina lang talagang poster ‘yan. Sobrang maka-mislead! False advertisement. Isang malaking kasinungalingan! Pinapainit n’yo lang lalo ulo ko. Kumukulo na naman ang dugong maharlika ko. Pasalamat kayo’t wala akong dalang kris. Kung nagkataon, naku, basta. Kung nagkataon!

Hindi ko talaga sasabihin kung anong sinungaling, bwisit at slow-service na fast food chain ‘yun kasi baka makasuhan ako ng libel. Basta hindi s’ya yung No.1 at No.2 sa bansa. Ang masasabi ko lang, para s’yang ‘yung leading lady ni Peter Pan.