Hindi na Masamang Magmura

by Sankage Steno

Umaalagwa na naman ang masasamang balita. Ngayon ko lang nababalitaan lahat nang mga ‘to kasi sobrang busy ko nung nagdaang weekend. Kaya ngayong nakabalik na ‘ko sa usual routine ko, medyo nganga naman ako sa sandamukal na masasamang pangyayari sa loob at labas ng bansa. Ang tanging masasabi ko na lang:

What’s new? That’s news.

Unahin ko na ‘yung pinakawalang kwenta (in the sense na hindi naman tayo maaapektuhan masyado). Ito ‘yung pagkamatay ni Cory Montieth o mas kilala bilang Finn Hudson sa Glee. Alam mo, nagiging uso na ‘to sa Hollywood, ‘yung namamatay mag-isa sa hotel room dahil sa drug overdose o relapse o alcohol poisoning whatever. Remember Heath Ledger? Amy Winehouse? Whitney Houston? Michael Jackson?

It’s a trend now. Gusto mong pumusta kung sino susunod?

Ang nakikita ko lang na epekto nito e dun sa mga fan ng Glee. Una, nasira na ang imahe ng show dahil ganun pala ang mga artista nito, mga, well, kayo na bahalang magdugtong. I’m too perfect to say it. Pangalawa, mahihirapan ang mga writers at direktor ng show na gumawa ng “dahilan” kung bakit nawala sa story si Finn.

Next news! Galing pa rin sa ibayong-dagat, ito ‘yung pagka-acquit ni George Zimmerman (isang non-black) sa kasong pagpatay sa isang 17-year-old guy na si Trayvor Martin (isang black). Not guilty ang hatol, maraming nagprotesta. Bakit?

Binaril daw kasi diumano ni Zimmerman si Martin dahil self-defense. Si Martin kasi ay “black,” naka-hoodie, maraming tattoo sa katawan at “threat” daw sa nauna. Syempre mababaw lang ‘yung description ko. Iba ang pananaw talaga ng korte sa United States. Malamang ay kulang sa ebidensya ang prosecution.

Anyway, ang epekto nito e, of course, racial profiling. Porke maitim, masama na agad? Nag-alma tuloy ang mga black sa America. Pakiramdam nila ay inaalipusta na naman sila ng mga “puti.” Hindi ko pa alam ang statement ni Obama or kung magbibigay man s’ya. Ang masasabi ko lang, kalma. Umapela kung pwede pa.

As for racial profiling, let’s start muna sa bansa natin. Guilty rin tayong lahat dito. Anong una mong maiisip kapag sinabing ‘Bisaya’? Kita mo na ibig kong sabihin? Guilty!

At pangatlong balita. Dito naman sa atin, at ito ang sa tingin ko e pinakamabigat sa lahat. P10 bilyon na ninakaw ng isang Janet Lim-Napoles sa tulong ng mga pulitiko natin sa Senado at Kongreso. Itong si Janet ay gumamit ng mga pekeng pirma at bumuo ng mga pekeng foundation para may mapaglagyan ng perang nakuha n’ya mula sa pork barrel at sa kita ng Malampaya gas project sa Palawan.

Ang pinag-uusapan natin dito e napakaliit na halaga lang naman: P10 BILLION!

Alam mo ba kung ilang classrooms ang mapapatayo at estudyanteng mapapaaral nun? Alam mo ba kung ilang gamot ang mabibili at ospital na mapapagawa nun? Alam mo ba kung ilang magsasaka at mangingisda ang matutulungan nun? Alam mo ba kung ilang empleyado ang mapapautang nun para sa kanilang bahay, edukasyon at kalusugan? Alam mo ba, ha?

Putangina.

The fact na nagsimula s’ya noong 2002 pa means malaking role ang ginampanan ni Gloria Macapagal-Arroyo rito. The fact na ngayon lang s’ya nalaman means ganun pa rin katalamak ang corruption sa administrasyon ni PNoy. The fact na hindi ka masyadong apektado means ganun mo na katanggap ang katarantaduhang ito.

Well, not me. Pera ko ‘yung ninanakaw ng mga hinayupak na PRIVATE at PUBLIC individuals na ‘to. Janet, kasama na sina senators Ramon Revilla Jr., Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ferdinand Marcos Jr., Gregorio Honasan at 23 members ng House of Representatives, masunog sana kayo sa impyerno (kahit di ako naniniwala sa impyerno).

Pero mas gusto kong maisoli muna ‘yung pera, makulong kayo at ma-rape sa kulungan. Ayoko ng quick death para sa inyo. Ang gusto ko, yung mabagal, masakit at nakakapangilabot na katapusan sa inyong mga buhay. Grabe, ansama-sama ko na. Okay, erase that part. ‘Yung una at pangalawang sinabi ko na lang.

Taraglis! Sana lang may kahahantungang maganda ‘tong galit ko.