Ang Tatapos sa Matinding Trapik sa Maynila

by Sankage Steno

Minumura ko sa isip lahat ng mga sasakyan sa paligid habang nakasakay sa bus kaninang umaga. Late na kasi ako at lalo pa ‘kong na-late dahil sa mga hinayupak na bus at kotseng basta-basta na lang sisingit at mang-aagaw ng lane para makalamang sa ibang sasakyan. Grabe lang ang pag-uugaling ‘yon.

Pasalamat sila at hindi ako pwedeng gumamit ng ninjutsu sa mundo. Kung naubos pasensya ko, siguradong nasa balita na ‘ko ngayon.

Tapos alam mo ‘yung kahit naka-red light na ‘yung traffic light e lalo pang bibilisan para “umabot” at makalagpas. Syempre mabibitin sila at maiiwan sa intersection, na lalo naman ngayong magdudulot ng mas malaking traffic. Kung di ba naman kasi ubod ng katangahan at kakupalan ‘tong mga driver sa bansa natin. Ansarap lang sipain nang padakot sa ngalangala ‘yung mga taenang ire.

Ampangit-pangit na nga ng mga kalsada sa Maynila, sobrang dami na ngang sasakyan ang nagsisiksikan sa makikipot na kalsada, tatanga-tanga na nga minsan ‘yung mga traffic enforcers, tapos wala pang disiplina ang karamihan sa mga driver. Ayaw sumunod sa batas. Basta makakalusot, lulusot at lulusot ang mga kupal.

Only in Manila.

Ayokong sabihing Philippines dahil maraming probinsya at lungsod ang may matitinong drivers, kalsada, traffic enforcers, etc.

Marami nang ginawa ‘yung MMDA para maayos ang problema sa trapik sa Maynila, pero wala sa mga ito ang talagang mabisa. Sa tingin ko, ang solusyon talaga para maayos ang traffic sa kabisera e ilipat ang government agencies at business districts sa fringes ng NCR. Ilagay sa Clark o sa Batangas o sa kung saan-saan pang probinsya para mabawasan ang sasakyan dito.

Pwede rin namang dagdagan ang tren sa MRT at LRT, o magpagawa ng skyway at underground highway, o kaya naman e bumili ng mga lumilipad na bike at kotse para hindi na tayo gagamit ng kalsada.

Pero since mahirap at matagal gawin ‘yun, I suggest na magkaroon na lang ng total car ban dito. As in hindi lang basta color/number coding. As in bawal talaga ang kotse sa EDSA, except sa mga taxi at ambulansya. Lahat ay dapat gumamit ng public transpo, tulad sa Singapore. Taasan din dapat ang tax sa mga bibili ng kotse para ma-discourage ang mga taong bumili.

For sure maraming magagalit sa ganito.

So here’s my final suggestion para mawala ang matinding traffic sa Maynila. Bumili tayo ng atomic bomb sa kaalyado nating United States tapos ibagsak natin sa NCR. For sure, tapos ang problema.

Tapos din tayo.