Ang Huling Prontera

by Sankage Steno

‘Frontier’ talaga ang gusto kong sabihin, kaso di ko alam kung ano s’ya sa Tagalog kaya ‘Prontera’ na lang. Sa mga makaka-relate d’yan, apir! Sa mga hindi naman nakakuha agad, okay lang ‘yan. GMG.

Marami akong gustong ikwento tungkol sa trip ko sa Palawan last week, kaso andami ring nangyayari sa araw-araw kaya natatabunan. Kaya bago pa matabunan ng SONA ang social media space, uunahan ko na. Baka kasi mamayang gabi mag-blog naman ako about sa mga pinagsasabi ni PNoy.

Going back sa Palawan, actually Puerto Princesa City, sobrang natuwa ako kasi lungsod s’ya pero sobrang green ng lugar. Malago pa ang mga puno. Pero hindi ‘yon ang pinakaikinatuwa ko. Talagang lumundag ‘yung daga sa dibdib ko nung marinig ko ‘yung kwento ng mga tour guide doon.

Firefly Watching

Nagpunta kami sa Iwahig River para manood ng mga alitaptap. Syempre gabi ‘yun, duh. Sabi nung bangkero/tour guide namin, dati raw, namamangka pa sila ng apat na kilometro para makakita ng mga alitaptap na namumugad sa mga bakawan o mangrove doon. Ngayon, ilang kembot na lang, marami nang makikitang fireflies. Actually, sa 1.5 km na sinagwan n’ya, sangkatutak na ‘yung nakita naming alitaptap.

Sobrang amazing, pramis! Bihira na kasi akong makakita ng alitaptap kahit sa bukid sa ‘min. Parang Christmas lights talaga sa puno. Ang nakakatuwa pa nito, dumami sila ulit dahil sa tulong ng mga tao roon. Nagtanim sila ng nilad (isang uri ng bakawan) na isa sa mga paboritong dapuan at tirhan ng mga alitaptap.

Trivia: Tingin sa kanan. Ang nilad ay mangrove species na marami noon sa Pasig River at Manila Bay. Dito kinuha ang pangalan ng ating kabisera. May + nilad = Maynilad, na naging ‘Maynila’ kalaunan at ‘Manila’ naman in English. Imagine kung ga’no kalinis noon ang look at ilog sa NCR. Now I’m nostalgic.

Eco-tourism ang tawag dito. Pinagkakakitaan ng mamamayan ang likas na kagandahan ng kanilang lugar. Dahil dito sila nabubuhay, sila na rin ang nangangalaga sa lugar nila. Ang galing, ‘no? Very sustainable. Ito talaga ang tinatawag na symbiotic relationship.

Dolphin Watching

Isa pang activity ko du’n e ‘yung panonood sa mga dolphin sa kanilang natural habitat at hindi sa Ocean Park o Ocean Adventure o whatever. Twice ko nang nagawa ‘to. Ang una e sa Bohol, malapit sa Pamilacan Island (kung tama pa pagkakaalala ko). Ang kaibahan lang sa Palawan, mas maraming dolphins!

Isang factor daw kung bakit mas marami sa Palawan e dahil limitado lang ang bangkang pwedeng lumapit sa mga dolphin. Pinakamarami na ‘yung tatlo. Kahit ang pangingisda ay limitado rin, kasi paborito ng mga dolphin ang galunggong na paborito rin ng mga Pinoy. Astig ang pagbibigayan, di ba?

Bukod pa d’yan, sabi ng cute naming tour guide na may asawa na (kainis), dati raw ay kailangan pang lumayo sa dagat (nakalimutan ko ‘yung saktong sukat) para makakita ng dolphins, pero ngayon e konting kembot na lang din mula sa Puerto Princesa Bay. Kasi nga, napapangalagaang mabuti ang karagatan. Konti lang din ang human activity.

Trivia: May tatlong look o bays sa Puerto Princesa alone. Ito ang Honda Bay, Ulogan Bay at ang nabanggit ko nang Puerto Princesa Bay. At dahil sobrang haba ng coastline ng Palawan, for sure marami pa itong look na maganda at malinis.

Trivia ulit: Meron ding butanding o whale shark sa Palawan, kaso lumalabas lang sila kapag 10 days before and after ng full moon. High tide kasi at tumataas sa dagat ang mga maliliit na sea creatures na kinakain naman ng mga butanding. Dahil sinusundan ng butanding ang pagkain nito, umaangat din s’ya kaya madaling makita.

Panalo talaga ang Palawan. At isa lang ‘to sa 7,107 islands ng Pilipinas. Antinde, shet! Wait, tignan n’yo ‘yung pic ko sa baba. Leg ko ‘yan. Ganda ‘no? Pero mas maganda ‘yung mga dolphins.