Ang Lihim ni Da Vinci

by Sankage Steno

First time kong makita nang harapan ‘yung mga inventions at paintings ni Leonardo Da Vinci sa Da Vinci’s Workshop sa SM Mall of Asia. Dati kasi sa Internet o sa libro ko lang nakikita ‘yung mga gawa ng henyong ‘to, ngayon harapan na talaga.

Syempre hindi sila ‘yung original. Mga replica lang at prototype. Asa naman akong kunin sa Europe ‘yung mga totoo at ibalibag sa Pilipinas. Para kang nagtapon ng sanlibong papel sa dagat ng basura. Shet, ampangit ng analogy ko. Sorry, pero ampangit kasi talaga ng Maynila. Kadiri.

Pero love na love ko pa rin ang Pilipinas.

Anyway, mabalik ako ke kumpareng Da Vinci. Alam naman nating lahat na sobrang galing at sobrang talino ng taong ‘to. Daig pa n’ya si Jose Rizal sa kagalingan. Itong si Da Vinci ay inventor, scientist, mathematician, painter, sculptor, etc., etc., etc. Actually maraming et cetera pa talaga ‘yan kaso di na kasya sa four-line paragraph na ‘to.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ‘pag nakita ko talaga ‘yung gawa n’yang totoo, like, for example, ‘yung Mona Lisa. Pero base sa naramdaman ko kanina nu’ng makita ko ‘yung copy sa exhibit, parang ano s’ya, ano, umm, ganito ‘yung reaksyon ko: … okay… o.O… so… eto na ‘yun?

‘Yan, ganyan ang reaksyon ko. Pero medyo na-amaze ako sa Last Supper kasi anlaki pala n’ya. Hindi kasi ako masyadong artsy-fartsy kaya di ko ma-express masyado ‘yung sarili ko. Or baka naman busy lang ako sa paghahanap ng cute kaya di ko masyadong na-appreciate ‘yung mga painting.

Aaminin ko na mas namangha ako du’n sa mga imbensyon ni Da Vinci. Kung iisipin mo kasi, sa time nila noon, to be able to create something as elaborate as those machines na nasa exhibit, henyo ka talaga. Ibang klase ang imagination mo, coupled with some considerable scientific and mathematical knowledge. Ibang level talaga. Alam mong pang-Renaissance ang caliber. (Wait, tama ba spelling ko ng Renaissance?)

Sa lahat ng mga nakita at nasaksihan ko sa exhibit ng mga gawa ni Da Vinci, isa lang ang pinakatumatak talaga sa ‘kin, at hindi ‘yon nabanggit ni isang beses sa programa. Humanga ako at napanganga nang higit sa lahat sa kaalamang ang iniidolo ng marami na si Leonardo Da Vinci ay isang bakla.

Gusto mo ng proof? Etong isa: