Weakest Coach of The Voice

by Sankage Steno

I told myself that if ever I were talented and lucky enough to enter The Voice, ang pipiliin kong coach ay either si Lea or si Bamboo. Well, mukhang si Lea na lang ngayon ang pipiliin ko at hindi na ‘yung isa. Baka nga si Sarah pa ang talagang mapusuan ko. Let me tell you why. It has something to do about last night’s episode.

Umpisa na ng Battle Rounds, at nangyari na ang isa sa pinakakinatatakutan ko: ang madala ang coaches ng kanilang emosyon sa halip na talento ng mga contestants. Given nang may ibubuga lahat ng nakapasa sa blind auditions pero, again, dapat talent pa rin ang usapan.

Last night, pinagtapat ni Bamboo sina Lee Grane at Dan. Unang-una, mismatch. Bakit? Dahil pinaglaban mo ang isang soul sister at isang rakista. Para mong pinagsabong ang ballerina sa break dancer. But this is correctable kung tama ang choice of song. E kaso mali rin ‘yung kanta.

Ang pinili ba naman nitong si Bamboo e One ng U2. Syempre, rock song, pabor kay Dan na isang rakista. Sinubukang gumawa ng sariling areglo si Lee Grane, pero hindi pinagbigyan ni Bamboo kasi nagtutunog Anak daw ni Freddie Aguilar. Gusto daw n’yang umalis sa comfort zone itong si Lee Grane, na aminado namang nahihirapan sa kantang napili ng coach nila.

Favoritism

Obviously, paborito ni Bamboo itong si Lee Grane, and I’ll admit, isa rin s’ya sa mga manok ko. Pero sa nangyari kagabi, base sa performance nila ni Dan, kitang-kita at dinig na dinig naman nating mas nag-shine itong rocker. Syempre, genre n’ya ‘yun. At s’ya talaga binoto ko kagabi, although alam kong ang pipiliin ni Bamboo ay si Lee Grane.

Hindi ako natuwa kahit pa nakapasok ang bet ko. Alam ko kasing hindi deserving ang pagkapanalo n’ya. I’m not saying na hindi magaling si Lee Grane. Magaling s’ya, pati si Dan. Pero mali nga ang desisyon ng coach nila na silang dalawa ang pagtapatin. Worse, maling-mali rin ang song choice. Sana man lang iniba ‘yung arrangement.

So nakitaan ko na ng weakness si Bamboo as a coach. Unfair naman kasing ‘yung mga contestants lang ang jina-judge. Sa mga ganitong klase ng show, mas sumisikat ang judges/coaches, kaya dapat din silang punahin.

Them vs. Me

Nakakalimutan kasi nila na para sa mga kasali sa labanan, ito lang ‘yung chance nila. Eto kasing mga coaches ay established artists na, and they have nothing to lose. Kahit sino pa ang manalo o matalo sa The Voice, and’yan pa rin sila sa next season (kung meron man), at susweldo pa rin sila ng malaking halaga. Nakakalimutan nila minsan na sumusugal ang mga contenders at nagsasakripisyo nang malaki.

I think si Sarah lang ang nakakaintindi nu’n bilang s’ya lang ang nanggaling sa isa ring singing competition. And it showed last night. Sa kanyang pair ang pinakamahusay na performance, ‘yung tipong parehong magaling ang singers, same genre, perfect song choice, at mahihirapan ka talagang pumili kung sino dapat ang makapasok kasi parehong deserving. Ganu’n naman dapat.

Perfect pair sina Morisette at Lecelle na parehong pop divas. Ang ganda rin ng napiling kanta, No More Tears (Enough is Enough) nina Donna Summer and Barbra Streisand. At nu’ng performance, boom! Ang ganda. Nahirapan akong pumili nu’ng una, so I had to resort to other means to make my decision (even if it doesn’t count).

Kung boses ang labanan, halos patas lang, pero pagdating sa stage presence at overall performance, du’n umangat si Morisette. Take note, ha. Hindi personal background/story o connections o favoritism ang pinairal ko kundi talent at skill pa rin. Maganda ang boses pareho, so daanin natin sa pagdadala ng show o sa performance.

The Last Coach

Kung ira-rank ko ang mga coaches base sa performance ng kanilang mga alaga, ang number one ko, hands down, ay si Sarah. Sunod naman si Lea (Ang tindi rin nina Mitoy at Chien, kaso naiba yata ang arrangement ng Alone at mas bumagay sa una.) na perfect pair at song choice din. Third naman si Apl (Medyo off sa ‘kin ang pair up, pero ganu’n talaga siguro ‘pag may duo na kasali.)

Obviously, kagabi, pinakapangit ‘yung kay Bamboo, so s’ya ang last ko.

Now don’t get me wrong. Idol na idol ko pa rin si Bamboo. Kilabot sa galing lagi kapag nagpe-perform s’ya nang live. As in! Pero as a coach, mukhang may problema s’ya. Hindi n’ya dapat pairalin ang pagiging rock star n’ya. Dapat n’yang intindihin ang kalagayan ng kanyang mga alaga. Empathy is what he needs. Ilagay n’ya dapat ang kanyang sarili sa kinatatayuan ng mga contestants under him. Kung may matatalo man (which is inevitable sa kahit anong competition), at least give them a good fight. They all deserve it. We all do.