Bobo ka sa Geography, ‘no?

by Sankage Steno

Nasa isang hotel ako sa Makati para sa presscon ng isang ahensya ng gobyerno. Habang nasa table para sa media, narinig ko ‘yung katabi kong reporter na tinanong ‘yung nasa kanan n’yang journalist.

Reporter A: Bakit sabi dito [sa press release] Cagayan de Oro City, Misamis Oriental? Di ba magkaiba ‘yun?

Reporter B: (No comment at first.)

Reporter A: Di ba province din ‘yung CDO?

Reporter B: Hindi… ano yata… nasa Misamis ‘yung CDO. (Nag-check sa phone n’ya kung tama ba s’ya. Feeling ko e nag-Google pa muna para i-double check.)

Sankage Steno: (Sa isip lang) Bobo, city ang CDO. Di ba nakasulat nga ‘Cagayan de Oro City, Misamis Oriental’? Tanga ka ba? Part ang CDO ng Misamis Oriental na isang probinsya. Sigurado ka bang journalist ka? Ba’t ambobo mo?

Sobrang sama ko talaga kapag sa utak ko, pramis. Hindi ko mapigilan e. Well, alam ko namang hindi natin ganun kakabisado ‘yung mga lugar sa Mindanao or kahit sa anong liblib na part ng Pilipinas. Hindi ko lang talaga matanggap na ambobo natin sa geography of the Philippines.

Ang alam lang natin e Luzon, Visayas at Mindanao. Kapag tinanong mo kung saan ang Apayao o Biliran o Siquijor o Quirino o Agusan del Norte o South Cotabato, nangangapa na tayo sa mind map natin. I’m not even sure nga kung sanay gumamit ng mapa ang nakararaming Pilipino. Nakakahiya talaga.

Even worse, baka nga hindi alam ng marami kung saan ang hilaga, timog, kanluran at silangan. Iba po s’ya sa taas, baba, kaliwa at kanan. My gulay. Hindi po ganun ang pagtukoy sa direksyon, ano ba!

Para sa mga beginner, ang silangan ay kung saan sumisikat ang araw. Kapag kaharap mo ang araw sa umagang-umaga, nakatingin ka sa silangan. Ang nasa kaliwa mo ay hilaga, nasa kanan ang timog at nasa likod ang kanluran. Gets? Susme.

Buti na lang at sineryoso ko ang Hekasi/Sibika at Kultura noong high school at grade school. Buti na lang din at kumuha ako ng elective nung college na Geography of the Philippines. In fair, nauno ko s’ya. Kasi gusto ko talaga ‘yung subject, kasi nga mahilig akong gumala. Ayun, kinabisado ko talaga ‘yung mapa ng Pilipinas.

Pero don’t expect na kabisado ko pa rin ngayon, ha? Nabawasan na ‘yung mga kabisado kong probinsya at kabisera. Medyo pumurol na rin ang utak ko. Sorry naman. Bobo na rin ako. Pero at least alam kong ang Cagayan de Oro City ay parte ng Misamis Oriental. In addition, nasa hilaga ito ng isla ng Mindanao. O ha?!