5 Minutes Per Banana

by Sankage Steno

Para higit mong maunawaan ang blog na ‘to, click here.

5 minutes. ‘Yan ang pisan zapra n’ya sa pagkain ng lakatan. Alam na alam ko ‘yun kasi lagi ko s’yang sinasabayang kumain noon. Habang sarap na sarap s’ya sa mga putaheng tinitira, ako naman e walang tigil sa kakabangka. Kung anu-ano ‘yung kinukwento ko sa kanya. Madalas, hindi na ‘ko nakakakain nang husto. Deipnosophist lang talaga ako kaya ganu’n.

Taong 2010 nang una ko s’yang makilala. Nakaupo ako sa isang bangko sa parke sa Makati at nag-aaral. Nasa hita ko naman ‘yung English-Spanish dictionary, ang vade mecum ko nu’ng time na ‘yon. Inaaral ko ang Espanyol para sa nakuha kong scholarship sa Latin America. Talagang mine-meraki ko ang pag-aaral ng foreign language. Kaso sakit sa ulo.

Namahinga ako sandali at tinanaw ang komorebi sa mga Narra sa paligid. Nang magsawa sa kasisilaw sa sarili, du’n ako napatingin sa kanya. Kakaupo lang n’ya sa katapat kong bangko. Nagsalubong ang aming mga mata. Nangungusap. Mamihlapinatapei. Parang may spark. Ito ba ‘yung tinatawag na love at first sight?

Sinubukan kong mag-umpisa ng usapan. Nag-joke ako tungkol sa weather, kaso pumalpak. Sa sobrang kakornihan, na-jayus ako. Natawa s’ya sa epic fail kong biro. Pero effective naman s’ya para ma-break ang ice. Du’n na nagsimula ang lahat.

Naging madalas ang pagkikita namin matapos ‘yung tagpo sa parke. Nalaman kong mahilig din pala s’yang mag-travel. Dahil sa fernweh naming dalawa, halos malibot namin ang buong Pilipinas sa loob lamang ng anim na buwan. Bago pa man kami makasakay ng barko o eroplano, kitang-kita na ang voorpret sa aming mukha at katawan. Daig pa namin ang bulateng binudburan ng asin.

Nahulog na talaga ang loob ko sa kanya. Madalas nga, nabibiktima ako ng ya’aburnee. Dinadasal ko talaga kay God na kung pwede, ‘pag matanda na kami, mauna ako. Hindi ko kasi kakayanin kung mawawala s’ya bago ako. ‘Pag nadarama ko ‘to, prozvonit agad. At ‘pag nag-ring na’ yung phone ko, masaya na ulit ako. Alam ko kasing and’yan pa s’ya.

Kahit madalas kaming magkita, bumiyahe at kumain sa labas, walang nag-aaminan sa aming dalawa ng tunay na nararamdaman para sa isa’t isa. Ewan ko ba! Ayokong mag-assume. Siguro naman understood na ‘yun. Pero di ko yata makakaya ang la douleur exquise kung sakali, kaya nagpasya akong humanap ng magandang tiyempo.

July 10, birthday n’ya. Nakahanap ako ng lakas ng loob para magsalita. Medyo basa pa ‘yung shirt ko nu’n kasi nag-embasan ako para mapadali ang pagpunta ko sa kanya. Tinakbo ko ‘yung gilid ng Ayala Avenue para matuyo ‘yung suot ko. Nang makarating ako sa tagpuan namin, nakita ko s’ya.

Andu’n na naman s’ya sa pwesto n’ya at nagpapanggap na pusa. May galeanthropy kasi s’ya, and I find it cute. Syempre, nunchi muna bago lumapit at magtanong. Nakita n’ya ‘ko. Nakangiti. Binati ko s’ya, inabutan ng bulaklak at niyakap. Saka ko s’ya binulungan…

Tayo na ba?

Hindi ko kinaya ang sagot n’ya. Una, natawa s’ya. Pangalawa, tinapik n’ya ko sa braso. At pangatlo, sinabi n’ya, “Di ba ikaw ang best friend ko? Pakners tayo in crime.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako nakapagsalita. Actually, hindi ko na s’ya kinausap. Basta umalis na lang ako at umuwi. Pagdating sa kwarto ko, nangibabaw sa ‘kin ang l’esprit de l’escalier. Bakit ba kasi hindi ko s’ya pinilit na sagutin ako? Pero bakit ko naman s’ya pipilitin?

Ilang araw akong hindi lumalabas ng bahay at laging nasa kwarto lang. Nagpaka-hikikomori ako araw-araw. ‘Yung inaaral kong diksunaryo, nakatambak na lang kasama ng mga luma kong libro. Hindi ko naman ginusto ‘yung tsundoku, pero nawalan talaga ako ng ganang maging productive.

Lumipas ang mga buwan, natuloy ako sa Rio de Janeiro para mag-aral. Du’n ko binuhos sa pagpapakadalubhasa ang lahat ng sama ng loob ko. Ni hindi ako nakaramdam ng depaysement dahil sa sobrang pagpapakaabala ko sa sarili. Gusto kong lumimot. Gusto kong makausad sa sakit na iniwan n’ya.

Minsan iniisip kong tawagan s’ya, pero pinipigilan ko lagi ang aking sarili. Ayoko nang cavoli riscaldati. Para sa’n pa? Best friend? Pakners in crime kami? Gago. Nagpakatanga lang ako ng dalawang taon. Sana napaaga pa ang pagpunta ko sa ibang bansa para matapos agad ‘tong pag-aaral. Sayang.

Habang naglalakad sa Copacabana, tumunog ang phone ko. May tweet… galing sa kanya.

Long time. Just arrived in Rio. Meet me?