S.L.N. Journalist

by Sankage Steno

May isa na namang journalist ang pinatay kahapon sa General Santos City, South Cotabato. Ang pangalan n’ya e Mario Sy, photojourn at contributor ng Sapol News Bulletin. Paano s’ya pinatay? Madali lang. May hired assassin na pumasok sa bahay nila at saka s’ya binaril nang dalawang beses. Tapos!

Kung mapapatunayang work-related ang pagpatay sa kanya, at di lang dahil sa may pinagkakautangan s’ya nang malaki (which I really, really doubt), s’ya na ang pan-16 na journalist na napatay o pinatay sa administrasyon ni Noynoy.

Susmaryosep.

Alam mo bang isa sa mga pabiro kong dahilan kung bakit Journalism ang kinuha kong kurso sa college e dahil gusto kong makadagdag sa papaubos na supply ng journalist sa bansa? Syempre joke ‘yon, pero like all the other jokes, it’s half-meant.

E nu’ng pumasok pa naman ako sa UP, si GMA pa ang pangulo. Nu’ng time n’ya kasi, sobrang daming pinapatay na aktibista at mamamahayag. Well, malaki ang pasasalamat n’ya sa The Butcher, si Jovito Palparan, na ngayon ay nagtatago sa kung saan para umiwas sa mga binabato sa kanyang akusasyon.

Guilty much?

Bukod kay Sy, marami pang journalist ang binura sa mundo dahil lamang sa pagtatrabaho nila. Remember Maguindanao Massacre? Ampatuan? Naaalala mo pa ba? But don’t get me started on that dahil baka mapaaga buhay ko at hindi ko na matapos ‘tong blog ko. Taraglis.

Anyway, isa pa sa pinakamatinding journalist-killing, for me, e ‘yung kay Marlene Esperat, ang whistle-blower ng fertilizer fund scam noong panahon ni Arroyo. In fact, ilan sa mga inakusahan ni Mareng Marlene sa scam na ‘yon noong 2005 e lumitaw na naman ang pangalan kaugnay ng pork-barrel scam involving Janet Lim-Napoles ngayon.

Surprise, surprise!

Teka, alam mo ba kung pa’no s’ya pinatay? May pumasok na assassin sa bahay n’ya isang gabi habang kumakain s’ya kasama ang kanyang mga anak. Then, binaril s’ya. Tapos! Andali lang, ‘no? Ganu’n-ganu’n lang ang pagkitil sa buhay ng isang taong mabuti, marangal at may paninindigan. That’s why I’m not surprised kung ba’t kokonti na lang silang matitino ngayon.

Sino ba naman ang pipiliin pang gawin nang mahusay at matapat ang kanyang trabaho kung isang bala lang pala ang katapat nilang lahat? Maswerte pa ‘ko kung tutuusin kasi hindi masyadong mapulitika ang mga sinusulat kong kwento. E pa’no na lang kung bigla akong makasagasa ng istorya tungkol sa korapsyon? E di mabubura na lang din ang gwapo kong mukha sa mundo?

Ang harsh!

Kaya nararamdaman kong kapag hindi pa ‘ko umalis sa propesyon kong ‘to. Kung paiiralin ko pa rin ang aking “prinsipyo” at “passion,” hindi malayong pasukin din ako ng assassin sa aking bahay, ta’s babarilin ng isa o dalawang beses. Tapos! Ganu’n-ganu’n lang matatapos ang buhay kong so amazing pa naman.