A Kuripot’s Guide to Long Weekends

by Sankage Steno

Medyo mahirap din kapag natapat ang bakasyon na hindi pa sweldo o wala ka talagang pera. Habang nagpo-post ‘yung mga Facebook friends mo ng kani-kanilang More Fun in the Philippines pictures in real time, meaning, andu’n pa rin sila sa pinagbabakasyunan nilang tourist destination, ikaw naman e napapaisip kung bakit am-perfect ng buhay nila.

Which, in reality, is hindi naman talaga.

Kaya tutulungan ko kayo, pati na rin ang sarili, para naman ma-enjoy pa rin ang mahabang bakasyon kahit na nagtitipid o nagkukuripot. No need to fret. Here are seven tips para masulit ang ating mga long weekends.

1. Teach your dog new tricks. Ang corny naman kung sit o fetch lang ang kayang gawin ng aso mo. Ngayong may tatlong araw kang libre, bakit di mo subukang turuang umalulong ang ‘yong aso nang may tono? Pakantahin mo, o kaya naman e turuan mong mag-tinikling. Better yet, turuan mo s’yang mamalengke for you.

2. Master a new dish. Ang corny naman kung adobo lang ang kaya mong lutuin. Worse, baka nga hindi ka pa marunong magsaing. Bakit di mo kaya subukang magluto ng sinigang sa santol o sa bayabas? Pwede mo ring subukang gumawa ng sushi gamit ang kanin sa bahay. Or why not invent a new dish using your leftovers? Pag ‘di mo nagustuhan ang kinalabasan, e di pakain mo sa aso n’yo.

3. Finish a new book. Ang corny naman kung Ibong Adarna, Noli Me Tangere¬†at El Filibusterismo lang ang nabasa mo. I’m sure marami kang libro sa bahay na hindi nagagalaw. Try mo kayang tumapos kahit isa. Kung tinatamad ka sa puro text, try a graphic novel. Maraming mura sa NBS. O kaya naman, punta ka sa Booksale kung meron. Kung wala, manghiram ka ng pocketbook sa tita mo.

4. Make an edible garden. Ang corny naman kung ang natanim mo lang sa buhay mo e poot o galit. Bakit di ka magbungkal sa bakanteng lote d’yan sa harap o likod ng bahay mo. Tapos kumuha ka ng kamatis at kalamansi sa kusina. Hiwain mo at kunin ang mga buto, then ilubog mo sa lupa at diligan ng konti. Kita mo, magugulat ka dahil pwede palang magkagulay at prutas ka ng libre.

5. Walk to a different barangay. Ang corny naman kung sa Poblacion ka lang lagi napapadpad. Bakit di mo kaya subukang maglibot sa labas ng barangay mo. I’m sure sa tinagal-tagal mong nakatira d’yan, never mo pang na-explore ‘yung mga karatig-barangay. Magugulat ka pa sa mga bago roon. Baka may makilala ka pang yihee!

6. Greet your kapitbahay. Ang corny naman kung di mo kilala o kakwentuhan ‘yung kapitbahay mo. Tambay ka sa labas, tapos kapag nakita mong lumabas din ‘yung kapitabahay mo, batiin mo, o kaya e purihin mo ‘yung suot. For sure gusto ka rin n’yang makakwentuhan. Malay mo maimbitahan ka pa sa kanila. Malay mo maging mag-bestfriend pa kayo. Malay mo mapakain ka pa ng cake sa kanila.

7. Play with the youngsters. Ang corny naman kung magbabasa ka lang ng blog buong bakasyon o magfe-Facebook. Get a life, dude! Try mong makipaglaro sa nakababata mong kapatid o pamangkin o anak. Masarap kayang maging bata ulit. Malay mo, may ma-discover ka pang hidden talent nila o hidden talent mo na pwede mong pakinabangan now or in the future. Go, laro na!