Nampotang Napoles

by Sankage Steno

Medyo nairita ako sa mga sagot ni Janet Lim-Napoles sa exclusive interview ng Inquirer sa kanya, kaya naman dito ko na lang idadaan sa aking blog lahat ng sama ng loob, inis, poot, galit, hinagpis, pighati at dalamhati ko.

Take note, kathang-isip lang ‘to. Baka naman maniwala ka. Kung gusto mo ng totoo, eto o: Click Me.

Ang mga sumusunod ay verbatim transcript ng panayam ko kay Napoles. Pota, ansakit sa ulo n’yang kausap. Mas madali pang intindihin ‘yung kasambahay naming hirap magsalita ng Tagalog. Potek! Hala, basahin mo na lang. Taena.

Sankage Steno: Na-shock ako na sa ‘kin ka lumapit para magpa-interview. In fairview sa ‘yo, tapang. Congratulations for that. Klap, klap, klap. Pweh.

Janet Lim-Napoles: Hindi ho alam ng lawyer namin ‘to. No, kasi medyo…

SS: Muka mo. Anyway, deretsahan na. Magkano na naipon mo sa pagbebenta ng laman sa Senado at sa Kongreso?

JLN: We have P5 million po.

SS: P5 million lang?

JLN: No. My goodness! [laughs] 500. ’Di ba ho? Kaya, medyo. So, pero sabi nga ng lawyer, ‘wag nang ano. ‘Pag nasa legal ano na lang po, di ba? Sa ano lang kasi, ‘yung anak kong isa, depressed na. [Unintelligible] Ilan na ‘yung anak kong. Meron na namang isa.

Siyempre everyday ’di ba, below the belt. Hanggang sa pinaglalaruan na ho kami sa Internet, sa buong… Pati ‘yung anak kong isa, ayaw nang umuwi dito ng Pilipinas. Sana kung. Tutal, may investigation naman hong nangyayari. Yun lang ho ang pakiusap ko.

SS: Si Satanas ba, nabentahan mo na rin ng laman?

JLN: Yeah, we’ve met tapos ito po yung kwintas ko Ma’am Nancy, ha. [shows necklace] Medyo ano…

SS: Hindi Nancy pangalan ko, leche. Tago mo na ‘yang kwintas na ‘yan at baka may sumpa pa ‘yang dala. Wala akong balak na hawakan ‘yan. Layo mo nga, please lang… Anyway, may anak ba kayo ni Satanas?

JLN: Wala po.

SS: E ba’t anlaki ng tiyan mo?

JLN: Kasi [unintelligible] naka-series naman.

SS: Naka-series sa ‘yo si Satanas? Potah ka. So madalas kayong magkita at mag-usap? May tawag na ba s’ya sa ‘yo today?

JLN: Opo. Wala naman po. Pwede naman po nating ipa-check sa Globe ’yan. May Globe. Naka-line po. Wala naman po kaming prepaid. Naka-line po yung ano namin… And binigyan niya po ako 30 minutes doon sa isang hotel.

SS: Sosyal. May line pala sa impyerno … at may hotel! Ay, teka, picturan muna kita for posterity.

JLN: Kuya, please naman, ang dami ko nang picture, bigyan na lang kita. Kasi, masyadong haggard ang mukha ko, tapos lalabas sa dyaryo. Maawa naman kayo.

SS: Talagang na-conscious ka pa sa mukha mo, ha? Don’t worry, hindi ‘to lalabas sa dyaryo. Magtiwala ka sa ‘kin, pramis. [Whispering] Sa blog ko lang.

JLN: Kasi, sir, kasi po marami na po kayong nasulat.

SS: I know. Mag-iisang taon na nga ‘yung blog ko rito sa WordPress e. Dami ko na ring nasulat. Mabalik lang ako. Kapag nagbebenta ka ng laman kay Satanas, saan n’yo ginagawa, sa bahay mo o sa kanya?

JLN: Sa kanya po eh. Kaya napilitan po kaming…

SS: Napilitang ano? Come on. Give me the details. I want to know.

JLN: Kuya, pasensya na kayo.

SS: Fine, kung ayaw mo, ‘wag mo.

JLN: Sayang, kung andito sana siya.

SS: Takte ka. Gusto mo pang ipagkanulo ako kay Satanas. Pareho kayong maitim ang budhi at kuyukot! Mga ganid! Wala akong balak na makita s’ya.

JLN: ’Di bale, lahat naman pinagbibigyan niya. Medyo nasaktan lang din siya dun sa mga… Pero siguro mas maganda po siguro siya na lang ano. Wag na lang. Anyway, pinagdadasal na lang po namin na sana lumabas yung katotohanan. [Unintelligble]

SS: Ano kamo? Nagdarasal kayo ni Satanas? Kanino? Buti hindi kayo nasusunog?

JLN: Ay! Pabayaan niyo na ho.

SS: Talagang pababayaan ko kayong masunog, lalo na ikaw. Gusto mo na bang ma-lechon ngayon sa impyerno?

JLN: Ba’t naman hindi?

SS: Tapang mo, a. Oh well, kung ikaw ba naman ang nagbebenta ng laman kay Satanas, ano pa ba kakatakutan mo?

JLN: May tape po kami niyan, kumpleto po.

SS: Tape ng ano? Ng pagbebenta mo ng laman kay Satanas?

JLN: Na-video ko po. Pero meron, nangako na po kami sa isang station at sa isang ano na exclusive [unintelligible]. After, kasi po mahirap na unahan namin ang NBI. So whatever their result, dun naman po namin ilalabas yung…

SS: Stop! Stop! I don’t wanna here about it. Hindi pa ‘ko nakaka-move on sa video nina Neri at Chito.

JLN: Hindi po, kasi yung CD atsaka yung ano…

SS: Sinabi nang stop e! Ano ba! Kadiri ka! Kapag nagpatuloy ka pa sa kababuyan mong ‘yan, didiligan kita ng holy water!

JLN: Nakakatakot ka, sir, ah. Bakit anong kasalanan ko sa ‘yo?

[Laughter]

SS: Hay, grabe. Ayoko na. Last tanong ko na ‘to. Asan na ngayon si Satanas? Anong ginagawa n’ya?

JLN: Asa anak ko, naka ganun eh [mimics writing/listing]. Naka… [laughs]