The Conjurer

by Sankage Steno

Ngayon lang ako magpo-promote ng Hollywood film, pasensya naman. Hindi ko talaga gawain ‘to kasi as much as possible e gusto kong pasiglahin ang local film industry. Salamat sa mga nanood sa Cinemalaya.

Anyway, gusto ko lang i-blog ‘yung lintik na The Conjuring na ‘yan. Potek, hindi ako makatulog kagabi. Actually, thrice ko na s’yang napapanood, pero hindi sa sine. Kaya naman ganu’n ako ka-disturbed hanggang ngayon.

Akala ko naman napalabas na s’ya sa mga sinehan dito sa Pilipinas, so nakinood ako sa webrip copy ng kaibigan ko. ‘Yun pala bago pa lang ‘yung film. So useless nang panoorin sa sine, I think. That’s my biggest regret sa buhay ko ngayon. Buhay talaga?

So let me tell you this: Panoorin n’yo sa sinehan.

Pero kung iisipin, natakot ako sa panonood sa maliit na screen at limited sound system ng speaker ko. Pa’no pa kaya sa big screen at digital surround sound? Baka mapadala ako sa loob, du’n sa Mandaluyong, nang di oras. Lintek lang. Ganyan ang effect sa ‘kin ng film na ‘to.

Ito ‘yung magagandang aspeto ng film na nagustuhan ko:

  • Based on a true story daw s’ya. So ‘yung fact pa lang na iniisip kong nangyari ‘to sa totoong buhay at pwedeng mangyari ulit sa kahit kaninong buhay e nakakatakot na. Tapos ang galing pa ng…
  • Sound effects. It reminded me of The Shining na movie ni Stanley Kubrick at base naman sa libro ni Stephen King. Alam mo ‘yung minsan walang sound effect, kaya lalong creepy, tapos biglang BANG! Taena. Sasabog yata dibdib ko sa pakikinig pa lang. E lalo na nu’ng umandar na ‘yung magandang…
  • Cinematography. Ang ganda ng mga anggulo ng camera. Medyo perfectionist ‘yung direktor, ha. James Wan, alam na. Tapos ‘yung iba unique. May pabaligtad na kuha, merong parang “Indie” ang dating, tapos merong impressionistic. Weh? Ako na film critic. Daming alam e.
  • Acting. Sobrang subtle nu’ng karamihan sa acting nu’ng dalawang bidang babae. Parang mukha lang ang gumagana. Tapos biglang may sigaw o magwawala na acting. Ang hirap nu’n, pramis! Hindi ko kaya. At sobrang effective n’ya sa horror flick. Astig lang.

Pero ang pinakanakakatakot talaga sa lahat for me ay ‘yung details.

Sabi nga, the devil is in the details. Tama ba? Anyway, may “rational” explanation kasi sa mga supernatural/paranormal experiences at sobrang nabigyan ng “science” o pattern ‘yung mga ganyang pangyayari, na, I’m sure, marami ring nakakaranas o nakaka-relate kahit ano pa religion, culture o nationality mo.

So ang final judgment ko, gaya nang nasabi ko na sa taas, panoorin mo. But before that, please be sure to bring the following:

  • Kasamang sisigaw o kakapitan (syota, kapatid, magulang, kaibigan, etc.)
  • Bible, Torah, Koran, o kahit anong religious book
  • Any religious icon, e.g., crucifix, rosary, etc.
  • Priest, pastor, mumbaki, babaylan, o kahit sinong spiritual leader
  • Holy water

Advertisements