Conyo, Pilipino, Kwento. Isang Taon Na Ako.

by Sankage Steno

Isang taos-pusong pasasalamat muna sa IYO, sa lahat ng nagbasa at nagbabasa ng Sankage Steno. Isang taon na ako sa WordPress. Yehey! Sobrang saya ko kasi di ko inakalang marami ang papatol sa mga sinusulat kong, nu’ng una e, para lang talaga sa sarili ko at wala nang iba.

Libangan ko s’ya, playground of my mind, bakit ba? Pero sa nagdaang taon, daang libong tao na rin ang nakisali sa laro ng isip ko rito. In fact, 164 na bansa na ang naabot ng blog ko. Buti pa s’ya, nakapag-around the world na. Leche. At ang top 10 countries na nakapagbasa ng Sankage Steno ay ang mga sumusunod:

  1. Philippines
  2. United States
  3. Singapore
  4. Canada
  5. United Arab Emirates
  6. Australia
  7. Saudi Arabia
  8. Japan
  9. United Kingdom
  10. Republic of Korea

Kahit nga mga hindi ko kilalang bansa, naabot n’ya. Pakshet. Sana naging blog na lang ako sa totoong buhay. Dahil dito, napatunayan ko ring halos lahat ng sulok ng mundo ay may Pilipino. Anyway, masaya ako dahil na-achieve ko ang dapat kong ma-achieve, ang makapagsulat ng kwentong Pinoy para sa mga Pinoy, mostly using my experiences at ‘yung mga nasasagasaan kong balita at pangyayari sa Internet.

Aim ko naman talagang magsulat para sa mga Pilipino, kaya nga conversational Filipino ang gamit ko at hindi English. Minsan Taglish o kaya e conyo. Medyo naiirita ako na natutuwa dahil nagsimulang “sumikat” ang aking blog sa mga conyo posts ko. Nangunguna na syempre d’yan ang Lessons from an MRT ride, na sinundan ng Ateneo & La Salle profs are like so not duwag, at ‘yung Krissy, is it a deal or no deal?

Pero hindi lang naman ako sa kakonyohan nag-shine. Bumenta rin ang pang-asar at very informative post kong pinamagatang Para sa mga ignoranteng 90s kids. Nabwisit na kasi ako sa dami ng lumalabas na infomercial, memes at videos portraying Marcos as the best president that the Philippines had. Potek. Kumukulo lalo dugo ko.

Hindi lang ‘yan nagpakulo ng dugo ko. Trending pa rin hanggang ngayon ang post kong Tanginang NBI clearance ‘yan na naging top entry na yata kapag may naggu-Google about NBI clearance. I’m happy na naging conduit ang blog ko para sa mga ganitong impormasyon na kailangan ng tao, pero mas masaya ako na meron silang venue para maglabas ng galit at sama ng loob.

Umaasa akong mas marami pa ‘kong matulungan sa mga susunod kong posts.

May konting pagbabago lang kay Sankage Steno. Una na d’yan ang aking header image. Gwapo ‘no? Three years ago pa ‘yan. Di na ‘ko ganyan kapogi IRL. Mas pogi na ‘ko ngayon. Taena. Kapal lang ng mukha ko. Nasasalat mo ba d’yan sa tapat ng screen mo? Ganu’n s’ya kakapal.

I decided to show some skin kasi gusto ko talagang sumikat at maging artista. Pweh. Gusto pala. Di agad sinabe. Taraglis lang.

Sa mga gustong mag-share maliban sa Facebook at Twitter, dinagdagan ko na rin ‘yung options. Pwede na rin magbahagi sa Google+, Pinterest, Reddit, Tumblr at kung anik-anik pang social media sites na hindi ko alam kung may Pinoy bang gumagamit. Basta kung meron kayo at nagustuhan n’yo ang isa kong entry, share away! I’d appreciate it kung may citation, kahit hindi APA.

Umaasa akong tatagal pa ang ating samahan bilang blogger-reader (or more, hi hi hi). Sana umabot ako sa 5th anniversary, then 10th, 25th, 50th, 100th! Sana buhay pa tayo pareho nu’n. I’m sure namang hindi ako mauubusan ng kwento. Nanganganak kasi ‘yan nang nanganganak oras-oras.

At bilang regalo, pwede kang magtanong kay Sankage Steno ng kahit ano, as in kahit ano. Ngayon lang ito mangyayari. Pwede mong ilagay ang tanong sa comment box o ipadala sa aking email o Twitter account na nasa Tungkol.

Muli, maraming, maraming salamat sa iyo. Sana hindi ka magsawa.