May pasok ba?

by Sankage Steno

Ngayon, wala.

Bukas, hindi ko pa alam. Para makasiguro, makibalita sa kahit anong media na available sa ‘yo. Wala pa ring tatalo sa media at government units or agencies sa pagbibigay ng anunsyo ukol d’yan.

Pero para sa mga adik na katulad kong walang magawa minsan sa buhay, pwede mong alamin kung may pasok o wala sa pamamagitan ng website na ito: maypasokba.com

Hindi ko alam kung sino ang me gawa n’yan, pero natutuwa at natatawa ako sa kanya/kanila. It’s candid, direct to the point and witty. Kung isa ‘tong larawan, for sure lagi s’yang photobomb. Pero ang pinakamahalagang katangian n’ya, it’s accurate. Napatunayan ko na ‘yan several times.

Medyo may kaadikan lang na nangyari sa ‘kin ngayon. Gaya nang nakagawian, lumuwas ako kaninang madaling araw para pumasok ulit. Nang makarating ako rito sa nirerentahang bahay to prepare for work, nag-text naman ang office at sinabing walang pasok ngayon.

Ang sakit lang sa dibdib nu’n.

Pero masaya rin kasi nakatulog ulit ako. Sarap! Anlamig saka, ano, ANLAMIG!

Ang hindi lang masaya, may pasok pa rin ang lahat ng empleyado sa malls. Syempre, marami nga namang pupunta ngayon du’n dahil walang pasok sa school at opisina. Nakakaawa lang ‘yung mga low-paid, overworked na trabahador du’n. (Naalala ko tuloy si dedicated elevator girl sa Olongapo.) Sana naman taasan sweldo nila at i-double pay ngayon. Hindi kaya birong magbyahe sa ganitong panahon.

Hindi rin masaya ‘yung mga binabaha sa mga oras na ‘to. Bukod sa malaking abala o perwisyo e delikado rin. Pwede silang ma-leptospirosis o malunod o makuryente. For sure, damaged din ‘yung mga pag-aari nila.

Sa mga nasa kalsada naman ngayon, sa mga drivers lalo na, mag-ingat po. Dahan-dahan ang takbo para iwas disgrasya. Ayaw din ng mga pasaherong nag-aabang sa gilid ng daan na masabuyan ng tubig kapag mabilis ang patakbo sa kalsadang may baha. Hindi nakakaganda ‘yun, pramis. Nabiktima na ‘ko n’yan, maraming beses na. Tatanga-tanga rin kasi ako minsan. Shet.

Du’n naman sa mga bakasyonista, mag-ingat din. Huwag nang pumasok sa kweba kasi delikado. May na-trap kaya ngayong 30 turista sa Sumaging Cave sa Sagada. Sana makaligtas sila. I hope and pray. Kung bakit naman kasi pinayagan pang pumasok du’n sa panahon ngayon. Kulang din kasi sa regulasyon.

Sa mga mangingisda at seafarers, mas mahalaga ang buhay mo kesa sa magiging huli mo ngayong araw. Huwag nang ipilit. Alam ko kung ga’no kahirap ang buhay sa ganyan, pero ‘wag mo namang isakripisyo ang kapakanan para lang may makain ngayon. Please lang, huwag nang pumalaot. Baka maulit din ‘yung nangyari sa MV Thomas Aquinas sa Cebu nu’ng weekend. ‘Wag naman sana.

Finally, sa ating mga nasa safe na lugar, be aware. Maging mapagmatyag pa rin. Higit sa lahat, tumulong kung makakatulong. Alam kong masarap matulog at kumain lang ngayong araw, at hindi kita pinipigilang gawin ‘yun (at ang iba pang bagay na masarap sa katawan), pero ‘wag naman sana nating kalimutan na naka-orange alert sa baha at may bagyo sa hilaga.

Ingat-ingat din #PMT.