Hello Sunshine

by Sankage Steno

I had this very wonderful conversation with someone I haven’t seen for quite a long time. Tawagin na lang natin s’yang ‘Sunshine’ at ako naman si ‘Rain’ (not the Korean hipon. Oh, puh-lease!). Nagkita kami sa isang club sa The Fort na hindi ko na lang papangalanan.

Pumasok sa club na todo ang ngiti (para magmukhang cool at sikat). Tumutugtog ang ‘Don’t You Worry Child’ ng Swedish House Mafia.

Sunshine: Rain? Is that you?

Rain: Sunshine?

Sunshine: Oh my god! Long time no see! Grabe, ampayat mo na. Anong ginawa mo, ha? Pa’no ka pumayat nang ganyan? Nag-aadik ka ba? (Laughter)

Rain: Medyo. (Tawa) Ganu’n talaga kapag tumatanda, pumapayat.

Sunshine: Excuse me? Hindi kaya! Karamihan kaya sa mga tumatanda, lumolobo din. Lumalaki ‘yung t’yan o kaya lumalawlaw ‘yung mga braso.

Rain: Have you heard of the rule, ‘exception to the rule’? Ako ‘yon.

Sunshine: (Laughter) Ikaw na! (Quickly looks to the left and right) Teka nga, nangangawit na ‘ko. Du’n tayo. (Pumunta kami pareho sa bar at naupo sa stool.) Kumusta na ba? Sa’n ka na ngayon? Yaman mo na siguro.

Rain: Define ‘yaman.’

Sunshine: You know what I’m saying.

Rain: Maybe I do. Maybe I don’t.

Sunshine: Haynako. Di ka pa din nagbabago. Ang gulo mo pa ding kausap. (Laughter) Ano na work mo ba?

Rain: Nagsusulat.

Sunshine: Writer ka? Sa’n ka nagsusulat?

Rain: Sa notebook minsan, pero madalas sa computer.

Sunshine: Bastos ka. Isa pang sagot na ganyan, bubuhos ko sa ‘yo ‘tong hawak ko. (May iniinom s’yang Tequila Sunrise.)

Rain: ‘Wag! Sayang. Mahal pa naman ‘yan.

Sunshine: E umayos ka.

Rain: Baket? Maayos naman ako a? Bago kaya ‘tong suot ko. Kakabili ko lang. Bagay ba?

Sunshine: In fairness, you look good nga d’yan sa suot mo. At lalo kang gumwapo ngayon. Bagay sa ‘yo ‘yang payat mo, ‘wag mo na lang babawasan. Sakto na ‘yan.

Rain: Talaga?

Sunshine: Oo nga, no kidding.

Rain: Thanks. You look gorgeous, too. Parang di ka tumatanda.

Sunshine: Seriously?

Rain: Seriously.

Sunshine: Oh my gosh, I think I’m blushing. Charot!

Rain: (Tawa) Hindi ka pa rin talaga nagbabago.

Sunshine: Ba’t naman ako magbabago? Hindi naman ako wardrobe na kailangang baguhin ‘pag natipuhan.

Rain: Yes, may analogy.

Sunshine: Bwiset!

Rain: Thank you.

Sunshine: (Sumeryoso nang konti ang mukha) Na-miss talaga kita, Rain. Seryoso.

Rain: Ako? Na-miss mo? No way.

Sunshine: Yes way! Ba’t ba ayaw mong maniwala?

Rain: Wala lang. Ano lang kasi, parang… (May ginawa s’ya sa lips ko na hindi ko na lang ide-describe. Basta naputol ‘yung pagsasalita ko dahil sa ginawa n’ya.)

Sunshine: Sorry.

Rain: No, it’s all right.

Dead air. Pinapatugtog naman ng DJ ang ‘Spectrum’ ni Zedd.

Rain: Um… you wanna go somewhere else? Medyo naiingayan na kasi ako dito.

Sunshine: Sure. Taralets.

Rain: (Isang makahulugang ngiti)