Simula Pa Lang

by Sankage Steno

Wala naman sa isang milyon ‘yung nakita kong pumunta kanina sa Luneta, pero di rin naman biro ‘yung dami namin kanina. Isama mo pa ‘yung mga nagprotesta rin sa iba’t ibang panig ng bansa, for sure aabot na ‘yun sa milyon. At ito na yata ang unang malaking protesta ng mga Pilipino sa panunungkulan ni PNoy.

As expected ganito ‘yung tagpong nakita ko kanina:

Hindi rin syempre mawawala ‘yung mga tindero at tindera. Ang saya nga e, very Pinoy. Bumili ako ng sweet beans sa halagang P10 at avocado ice candy na sobrang sarap for only P5. Heto pa ‘yung ilang nagtitinda na hindi ko na-try (Note: Stand out talaga ang Micromatic):

Halu-halo talaga ‘yung mga nagpunta roon, pero karamihan ay middle class. Merong mga taga Sulu-Borneo, merong mga aktibista, merong mga estudyante, merong mga madre, merong LGBT at kung sinu-sino pa. Nagulat nga ako na meron ding taga-Bulacan. In fairness, ‘kala ko ako lang.

Ang symbolic lang din kasi nakatanaw si Rizal mula du’n sa monumento n’ya sa mga Pilipinong nagtitipon sa Luneta. Iniisip ko nga kanina kung ano na lang kaya ang masasabi n’ya ngayon.

Ibibigay ko naman sa comic relief na dinala ni Juana Change, a.k.a. Janet Bariles Napoles. Costume pa lang, f na f na. Malaman din ‘yung mga binitawan n’yang salita sa performance art n’ya.

Salamat sa langit at hindi bumuhos ang malakas na ulan. Pinagbigyan talaga kami kanina. Thank you talaga. At kailangan ko ring i-special mention ang mga magigiting nating MMDA street sweeper. Grabe, ito na yata ang pinakamalinis na rally na nakita ko. In fairness din naman sa mga tao, kanya-kanyang bulsa ng basura. Hindi sila nagpakababoy tulad nu’ng mga nasa Kongreso.

Nakakalungkot lang din na may ilang akong kaibigan na hindi alam kung para saan ang Million People March to Luneta. Nasaan ba kayo, nasa kweba? Wala bang signal du’n? Kainis. So I had to make paliwanag pa tuloy to them. Gosh! At sa isang panig naman ng Luneta (Intramuros, actually), may naglalaro lang ng golf.

Alam kong hindi pa tapos ang problema natin, pero magandang simula na rin ‘to. ‘Yung ibang aktibistang tumuloy ng Mendiola para magprotesta, somehow e dapat gayahin natin. Dapat ituloy din natin ‘to at ‘wag basta matapos sa Luneta. Simula pa lang ang lahat ng ‘to.