Kanino mapupunta ang P10M?

by Sankage Steno

Isa lang ‘yan sa marami kong tanong matapos sumuko ni Janet Lim-Napoles kay Pangulong Aquino at matapos din ang Million People March sa Luneta noong Lunes.

Para palawigin pa ang tanong ko, pwede bang mapunta ang P10 milyon kay Atty. Lorna Kapunan na s’yang abogado ni Janet at may “way to her” (o sa salita ni Edwin Lacierda e ‘conduit’)? O du’n kaya sa sinasabing “conduit” ni Kapunan para makausap ang kanyang kliyente?

Ang iniisip kong conduit na ‘to e either si Jimmy Napoles o ‘yung babaeng kasama ni Janet nu’ng kitain sila nina Lacierda sa Heritage Park kagabi. Kamag-anak daw. Bale, saktong 9:08 p.m. sumuko itong si Janet, at nakarating sila sa Malacanang Palace ng 9:37 p.m. Ayon ‘yan sa mga pahayag ni Lacierda.

Narito ang kabuuan ng kanyang salaysay.

Pwede rin kayang mapunta kay Lacierda ‘yung P10M? At bakit ba ako concerned na concerned sa perang ‘yon? Bitter ba ‘ko at hindi sa ‘kin napunta ‘yon? Or wala lang talaga akong magawa sa oras ko? Anyway, hindi lang ‘yan ang mga tanong ko.

By the way, sa’n nga pala kukunin ‘yung P10M reward? Galing ba ‘yun sa bulsa ni PNoy o galing din sa tax na binabayad ng mga Pilipino? Kung galing sa tax natin ‘yon, e di tayo rin ang nagbayad. Masama ba ‘yun?

Eto pa: Posible bang kasuhan ng obstruction of justice si Atty. Kapunan? E pa’no naman kasi, as confirmed, may conduit s’ya para makausap si Napoles. Ibig sabihin, kaya n’yang ma-trace ang kanyang kliyente. And the fact na ayaw n’yang tulungan ang pulis para mahuli si Janet means na hinaharangan n’ya ang batas.

Ngayong naka-detain na rin si Janet sa Camp Crame, ano na susunod na mangyayari? E ‘yung kaso naman n’ya e illegal detention (which is non-bailable) at hindi graft o plunder o pagnanakaw sa kaban ng bayan. Pwede ba s’yang kasuhan ng maraming kaso, then maging guilty sa lahat? Kung guilty s’ya sa lahat, anong parusa ang ipapataw, ‘yung pinakamabigat o lahat talaga?

Kung mapatunayan namang nagnakaw nga s’ya ng P10 bilyon o higit pa, pwede pa bang bawiin ‘yon mula sa kanya? Pwede bang agawin lahat ng ari-arian n’ya, pati na rin ‘yung sa mga anak n’ya, lalo na ‘yung nasa United States? Sana pwede naman, parang ‘yung mga ill-gotten wealth lang ni Marcos.

At bukod kay Napoles, pa’no na ‘yung ibang pulitikong sangkot sa pork barrel scam? Pa’no ‘yung mga hindi na nakaupo pero nagnakaw rin? Pwede pa ba silang mahuli at pagbayarin? At kung kakasuhan lahat ng involved, may matitira pa kaya tayong senador at kongresista? Ano mangyayari kung mangalahati o halos mawalan talaga tayo ng legislators? Posible ba ‘yun?

At ngayong tapos na nga ang martsa, balik na ba sa normal ang lahat? Hindi na ba ‘yun masusundan o simula pa lang talaga ito ng pagkakamulat ng maraming Pinoy? Sana hindi s’ya one-hit wonder lang. Kita namang may magandang nangyari dahil sa pagtitipong ‘yon ng mga tao sa Luneta.

Bilang pangwakas, sino sasagot ng mga tanong ko?