Napoles on Haters, Twerks and More Fun

by Sankage Steno

Dahil araw-araw na lang kumukulo ang dugo ko kapag nakakabasa ng balita tungkol kay Napoles at sa pork barrel, minabuti kong pagaanin nang bahagya ang aking kalooban sa paggawa ng memes. At dahil nagkalat na ang mugshot ni Napoles, ‘yon ang pinuntirya ko. Eto ‘yung ilang napagtripan kong gawin.

Potah ka, Janet. Ang kapal ng mukha mo. ‘Hate’ is too shallow a word to describe how I feel towards you. Try ‘despise’ para maiba naman.

Syempre usap-usapan pa rin si Miley sa social media pati na rin ‘yung salitang ‘twerk’ na nadagdag na raw sa Oxford dictionary. Taena. Sige, pagbigyan. Kapag nakakuha ‘tong picture na ‘to ng 1,000 likes, magbubukas ang impyerno.

Hindi pa rin naman nalalaos ang The Conjuring. Kaya para sa mga nakapanood na, bakit di mo yayaing makipaglaro sa ‘yo si Janet? Mas nakakatakot s’ya kumpara kay Annabelle at kay Bathsheba. Try mong titigan s’ya ng more than five seconds.

Ako lang ba o talagang matangkad si Janet? Tingnan mo ‘yung height measure sa likod n’ya. Grabe, pang-beauty queen pala ‘tong impaktang ‘to. Pagawa na lang siguro ‘yung katawan at mukha kay Belo… which leads me to this:

Ay, sorry, Dello pala. Fliptop na lang ang labanan. Baka manalo pa ‘ko.

Lakas din nitong si Janet e. Nakuha pang mag-pose ng iba’t ibang angle. Hala, sige, pili ka ng angle na pwedeng gawing cover o profile pic.

Pero ‘wag nating kakalimutan: Ninakawan nila tayo sa loob ng mahabang panahon.