Marcos Fiesta

by Sankage Steno

Habang kumakain sa Saramsam kagabi, may pinapanood sa ‘ming video about sa Ilocos tourism, at isa sa pinakita roon e ‘yung celebration ng Marcos Fiesta last year. Wala lang. Ngayon lang kasi ako naka-encounter ng fiesta na ang patron e hindi santo kundi isang diktador.

Ang alam ko kasi, sa tradisyon ng mga Katoliko, may piyesta para kay Santo Nino, San Agustin, Birhen ng Lourdes, San Juan, Santa Monica, atbp. Tapos dito sa Ilocos, piyesta para kay Marcos? Wow!

Nga pala, tuwing September nangyayari ang malaking pagdiriwang na ‘to. Nagtanung-tanong ako kanina at nalaman kong one week celebration s’ya. Grabe na ‘to. At dpara sa taong ‘to, ang pista ay mula Sept. 8 hanggang Sept. 14. Pinaka-highlight naman ng pista ‘yung mangyayari sa Sept. 11.

Last year, nagkaroon ng flash mob sa saliw ng awitin ni J. Lo na Dance Again. Pumunta rin si Ethel Booba para magpatawa. At, surprisingly, andu’n si Mitoy, kasama ang kanyang banda, para mag-perform. Hindi ko alam na ganu’n na pala talaga s’ya kasikat before The Voice.

Tapos meron ding ceremonial toast na ginawa si Bongbong Marcos para sa kanyang ama. Sinabi n’ya na para raw sa mga ideals at patriotism o love of country ni Apo Marcos kaya sila nagdiriwang. Gayahin daw, panatilihing buhay, ganyan. Basta andami n’yang sinabi na talagang inaangat ang kayang tatay. Amazing.

Pero ang pinakaikinahulog ko sa upuan ay ‘yung isang pa-contest nila. Para s’yang beauty pageant na pambata. Ang tawag nila rito ay Little Ferdie and Little Imelda. BOOM! Sumabog talaga ako. At talagang karir ha. Biruin mo, hindi lang hitsura ang ginagaya ng mga bata, pati mannerism, boses, lahat!

‘Yung nanalo, kamuka talaga ni Imelda, pati ‘yung pagkanta-kanta. ‘Yung lalaki, never mind. Pero, grabe, hindi ko alam na ganito nila sambahin si Marcos dito sa Ilocos Norte. Ibang level. Nakakatakot na rin to some extent. Parang ibang uri ng mga Pilipino sila kahit pa alam kong maraming fans pa rin si Marcos. Dinaig pa n’ya ‘yung ibang santo na kilala kong may pista.

‘Yung kay Marcos, define ‘enggarande.’

Dahil d’yan, I realized na ka-level na rin ni Marcos ngayon ang mga santo, o baka nga mas mataas pa s’ya. As in! Higit pa riyan, ka-level na rin n’ya ang butanding, bulaklak, pagoda at marami pang ibang may kanya-kanyang pista rin sa bansa. Happy fiesta!

Lelz.