Project: Bucket List Philippines

by Sankage Steno

May bago akong pangarap. Since lagi naman akong napapadpad sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, minabuti kong alalahanin ang ilang mga napuntahan ko nang lugar at mga nagawa rito. Habang nasa loob ng tumatakbong bus, du’n ko naisip na, ‘Teka, bakit di ako gumawa ng bucket list na para sa mga traveler ng Pilipinas?’

Hindi mo naman kailangang maging matanda o maging mamamatay na para tuparin ang gagawin kong bucket list. Hindi ko rin naman ginustong gawin ‘to dahil sa mamamatay na ako. Gusto ko gawin, period.

So far, napuntahan ko na ang ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao. This is a far cry sa pangarap ko noong 2008 na makalabas lang ng Luzon. Ngayon, nakalabas na nga ako ng Luzon, nakalabas na rin ako ng PIlipinas. Kapag talaga nangarap ka at hindi ka bumitaw, kahit papa’no nagkakatotoo.

Sa ngayon, ang bago kong pangarap na gumawa ng bucket list Pilipinas edition e alam kong matagal pa bago ko maisakatuparan. Hindi ko nga alam kung ilan ‘yung isusulat ko e. Siguro Top 10 o Top 100. Konti pa lang kasi ang nae-experience ko sa bansa. I mean, marami-rami na s’ya pero dahil sobrang laki at sobrang ganda ng bansa natin, I’m thinking na nasa 3 percent pa lang ang nagagawa o nae-explore ko.

Nakaakyat na ‘ko ng Mt. Pulag pero hindi ng Mt. Apo. Nakapag-snorkel na ‘ko sa Coron, pero hindi pa ‘ko nakakapag-diving. Nakakain na ‘ko ng durian, pero hindi pa lahat ng variety. Ni hindi ko nga nabalatang mag-isa. Napakarami pa talagang pwedeng puntahan at gawin. Sana mangalahati man lang ako.

For now, babalikan ko muna ‘yung mga napuntahan ko na, then after that, magpaplano siguro akong maglibot sa buong bansa either through bike lang o through a joy ride sa lahat ng national highway sa bansa. Bale lilibutin ko ang Pilipinas sa pamamagitan lamang ng car o jeep o bus o sa pag-hitchhike. Bahala na.

Mas maganda rin siguro kung may makakasama ako para mas safe at mas masaya. Maghahanap muna ako ng makakasama sa trip at, sana, sa panghabambuhay. Tentenen!