Bakit fail ang Sept. 11 rally?

by Sankage Steno

Meron akong limang naiisip na dahilan kung bakit hindi magiging matagumpay ang rally na mangyayari sa Sept. 11 next week.

Una, ito ang kaarawan ni Ferdinand Marcos, ang diktador na nagnakaw at nagpahirap sa maraming Pilipino. Marcos Fiesta rin sa Ilocos Norte, aka, Marcos Country. Para sa isang lumalaban sa korapsyon, isang kabalintunaan ang isabay ang anti-pork barrel rally sa birthday ng isang taong corrupt. Anong mensahe na lang ang maipararating nito sa mga Pilipinong nagmamalasakit sa bayan?

Pangalawa, kasabay rin nito ang 9/11 sa United States, aka, Terrorist Country. Syempre, mas gugunitain ng mga tao ang nangyari sa World Trade Center sa New York kesa sa rally sa EDSA sa gagawin sa araw na ‘yon. Kung bakit naman kasi iyon pa ang napiling araw ng mga organizer, kung sino man sila.

Pangatlo, hindi holiday ang Sept. 11, not to mention na Baclaran Day pa. Unless may matinding nangyari sa bansa natin, you can’t expect na marami ang pupunta at makikisali sa rally na ‘yan. For sure marami ang pipiliing pumasok sa paaralan o sa opisina kesa sumali d’yan. Kahit kaisa pa sila sa layunin nito, malabong makahatak ng maraming taxpayers ‘yan.

Pang-apat, kakatapos lang ng Million People March a few weeks ago. Alam kong marami pang dapat ayusin sa isyung ‘to, pero dahil nakakulong na si Napoles at suspended na ang PDAF, medyo convinced na rin ang ibang tao na hindi pa kailangan ng kasunod na rally. Isa pa, ongoing na rin ang investigation sa Senado. Kulang sa push ang event na ‘to.

Panlima, dahil sa pangalan ng rally. EDSA Tayo. Okay, so obvious namang ‘yung organizers e gustong maulit ang EDSA 1 at EDSA Dos. Pero magkaibang-magkaiba ang pinaglalaban at layunin ng dalawa. Du’n pa lang e di na agad tatalab. Sa first two EDSA kasi, pinatalsik ang pangulong nakaupo. E ‘yung rally sa Sept. 11, hindi naman layunin nito ang mapatalsik si PNoy, so I don’t think kakagatin ‘to ng madlang pipol.

Tuloy pa rin naman ang laban sa pork barrel at sa mga kurakot na tao sa gobyerno at pribadong sektor, pero tingin ko talaga e hindi magiging matagumpay ang mangyayaring rally next week. Kaisa ako sa layunin nito, pero I don’t think pupuntahan ko s’ya.

I know it’s too early to say these things. Pwede rin namang magkamali ako. Sana nga nagkakamali ako, dahil gusto ko talagang maayos na ang napakalaking gulong ‘to sa tulong ng taumbayan.