Kapunin si Misuari

by Sankage Steno

Ang gulo ngayon sa Zamboanga City, at dahil ‘yan kay Nur Misuari at sa kanyang mga kampon. Maganda naman talaga ang hangarin noon ni Misuari para sa mga Moro sa Mindanao. Here’s a little bit of history para mas malinaw. Naikwento ko na rin ‘to noon sa blog kong Para sa mga Ignoranteng 90s Kids. Ito naman e version na galing sa column ni Randy David ngayon.

Noong 1968, apat na taon bago mag-declare ng Martial Law si Marcos, nalaman ni Misuari ang tungkol sa Jabidah Massacre. Pinapatay kasi ng militar ni Marcos ang mga Muslim recruit sa Corregidor para hindi kumalat ang plano ng future dictator na bawiin ang Sabah mula sa Malaysia. Dahil dito, nag-resign s’ya sa pagtuturo sa UP, bumalik sa Mindanao at binuo ang Moro National Liberation Front o MNLF.

Layunin ng MNLF na magkaroon ng kalayaan at magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang mga Moro. Noong December 1976, pinirmahan ng gobyerno natin ang Tripoli Agreement kasama si Misuari, sa tulong na rin ni Moammar Gadhafi na lider ng Libya. Ayon sa agreement na ‘to, ang 13 probinsya sa Mindanao ay magkakaroon ng autonomy o kasarinlan at magkakaroon din ng ceasefire sa pagitan ng militar at ng MNLF.

MILF is Born

Ayos na, di ba? E mautak si Marcos. Nagdeklara s’ya ng Proclamation 1628 noong March 1977 na nagdeklara ng autonomous region sa Mindanao, pero ang masasakupan nito ay daraan muna sa plebisito. Sampung probinsya ang pumili ng autonomy at nahati ito ngayon sa region 9 at region 12.

Noong December, same year, ang dating tauhan ni Misuari na si Hashim Salamat ay nagdeklara ng pamamahala ng buong MNLF as its new leader. Syempre, ayaw ni Misuari ng ganyan. Nahati ngayon ang mga Moro. MNLF pa rin kay Misuari at ‘yung kay Salamat naman e tinawag n’yang Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Taong 1986, napatalsik na si Marcos. Sumang-ayon ang MNLF na sumanib sa MILF para sa peace talk sa bagong administrasyon (kay Cory), pero nu’ng nag-uusap na, pinalabas ni Misuari na ang grupo n’ya ang nag-iisang nakapangyayari para sa usapan kasama ang bagong gobyerno. Na-echepuwera bigla ang MILF. O, di ba? Kita mo na kung pa’no mag-isip ang mga lider dito sa Pinas? Mga tuso.

Anyway, noong si Fidel Ramos na ang nakaupo, napirmahan ang “Final Peace Agreement” with the MNLF. Syempre, hindi sumama rito ang MILF. Si Misuari ang naging governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM. ‘Yung MILF naman, as expected, patuloy pa rin ang laban para naman sa kanilang “independence.” Ang gulo, di ba?

Zambo City

Sa ngayon, meron na namang binubuong peace agreement between the government and the MILF. Nabaligtad bigla ang sitwasyon. Feeling naman ngayon ni Misuari, s’ya ang ine-echepuwera sa usapan. Kaya ang ginawa n’ya, nagmartsa s’ya kasama ang mga loyalists sa Zamboanga City, dala-dala ang kanilang bandila, para magdeklara ng “independence.”

Kung di ka ba naman baliw, bakit mo gagawin ‘yun? Sa tingin mo ganu’n lang s’ya kadali? E hindi naman sakop ng ARMM ang Zamboanga City. Inutil lang talaga. UP ba talaga galing ‘yan? Oh well, UP din naman si Marcos. Andami talagang corrupt at inutil na galing du’n.

Ano ngayon ang solusyon para maayos ang gulo sa Zamboanga City? Pwedeng daanin sa mabuting usapan. Antagal na kasing naghihirap ng mga kababayan nating Muslim. Kawawa na sila. Dapat talaga matapos na ang totoong peace agreement sa pagitan ng mga Moro at ng gobyerno ng Pilipinas.

Pero para sa ‘kin na wala naman talagang alam sa sitwasyon (nakikibasa lang) at malayo sa lugar ng kaguluhan, dapat na lang siguro na kapunin o i-castrate itong si Misuari nang mabahag ang buntot. Tapang e. Kala mo kung sino.