Zambo Rambo

by Sankage Steno

Lumalala pa yata ang sitwasyon sa Zamboanga City ngayon. Although may mga bihag nang nakalaya o nakatakas, hindi pa rin tayo sure na hindi na madadagdagan pa ‘yung mga namatay since magsimula ‘yung standoff sa pagitan ng militar at ng mga kampon ni Nur Misuari last week.

Nu’ng una talaga inisip kong pang-iwas lang ‘to sa isyu ng pork barrel scam e, pero habang tumatagal, napapaniwala na ‘kong hiwalay na problema talaga ‘to. At ngayon nga, binihag na rin ng MNLF ang police chief ng Zambo City na si Senior Superintendent Jose Chiquito Malayo.

Ginagamit lang naman s’ya ngayong human shield ng mga rebeldeng ‘to para hindi sila tadtarin ng bala ng ating mga sundalo. Grabe lang talaga ang pagkadesperado ng mga taong ‘to.

Maligno

Ang nakakainis pa rito, ginagamit ng ibang pulitiko ang sitwasyon para magpabango at maghanda para sa kandidatura nila sa darating na 2016. Pota! Tatlong pa ‘yun tapos nangangampanya na agad ngayon? Walastik din dumiskarte ‘tong mga hinayupak na ‘to a. Hindi muna asikasuhin ang pangangailangan ng taumbayan. Puro sarili lang iniisip.

Ang tinutukoy ko e ‘yung inilarawan ni Korina Sanchez noon na maligno raw. Ito ay walang iba kundi si Vice President Jejomar Binay. Susmaryosep! Akalain mo ba namang umepal ‘to last week at lumipad patungong Zambo City para makipagnegosasyon sa kaklase n’ya nu’ng college na si Misuari. Akala n’ya porke seatmate sila noon, ganu’n na lang kadali n’yang makukumbinse ito?

Adik lang. Nu’ng una, sabi n’ya e sumang-ayon na raw sa ceasefire ang dalawang kampo, pero the next morning, biglang gyera ulit. Barilan na naman ‘yung dalawang nagsasagupaang grupo. Asan na ‘yung pinagmamalaking ceasefire nitong si Binay? Pinalala lang n’ya yata ‘yung sitwasyon.

Hindi naman kasi n’ya trabaho ‘yun, nakikiepal pa. Worse, kasama pa n’yang pumunta ng Zambo City ‘yung anak n’ya. Hindi si Nancy, porkraysseyk. Si Jun-jun ang tinutukoy ko. E ano kinalaman nu’ng tukmol na ‘yun sa gulo roon? Anong motibo n’ya para sumama sa kanyang ama? Or ano ang motibo ng ama para sa kanyang anak at binitbit pa n’ya ‘to? Tengeneng mga pulitiko. Kakapal ng fez!

Godlike

At eto pa. Hindi rin nakatulong na nagmamaganda ang ilang “media” d’yan. Ibinalita kasi ng Rappler last week din na may sumuko raw na 80 MNLF members. Syempre big news ‘yun. Exclusive pa man din sa kanila. Ang nangyari, nakuryente pala sila. Meaning, hindi totoo ‘yung balita. Ewan ko ba kung sa’n nila nakuha ‘yun. Mismong si PNoy pa mismo ang nag-confirm na walang nangyaring pagsuko.

E nagmaganda pa ‘tong Rappler. Sa halip na tanggapin ang pagkakamali, nagmatigas pang tama raw ‘yung balita nila. E hindi nga po! Tanga lang? Ngayon ba maayos na ang sitwasyon? Kitang-kita naman na walang sumusuko e, at hindi rin payag si PNoy na bigyan ng safe passage ang mga damuhong kasapi nitong MNLF.

But no talaga! Rappler is correct forevermore. Maria Ressa is correct forevermore. God is correct forevermore. Therefore, Rappler and Maria Ressa are God.

Pa’no naman maaayos ang problema n’yan kung mismong gobyerno at media e epal pareho? Jusko! Andami kasing gustong magmaganda sa mundong ito. Hindi ba pwedeng ayusin muna ang gulo saka na magpasikat? Puro porma kasi e, wala namang gawa. Tungunu!