P2-Million Bounty

by Sankage Steno

Tinaasan na ng Malacanang ang reward para sa makapagtuturo sa pumatay kay Kristelle “Kae” Davantes, isang senior account manager sa McCann Worldgroup Philippines, Inc. Huli s’yang nakita ng mga kaibigan, pati boyfriend, na sakay ng kanyang silver 2011 Toyota Altis mga 1a.m. noong Sept.7, limang oras bago s’ya natagpuang patay sa Cavite.

25 years old lang s’ya.

Huling naglabas ng ganito kalaking pabuya ang pamahalaan noong July 26 bombing sa Cagayan de Oro at nu’ng tinamaan at napatay ng ligaw na bala ang batang si Stephanie Nicole Ella noong New Year’s Eve. Hanggang ngayon, ‘yung parehong kasong ito e hindi pa rin nareresolba.

Ayoko mang sabihin, pero malaki rin ang chance na hindi rin makita ang mga pumatay kay Kae kahit pa may nakalabas ng ganito kalaking pera bilang pabuya. Nakakalungkot lang, pero, syempre, hindi naman dapat mawalan ng pag-asa. That would mean defeat already. Saka ginagawa rin naman nang maayos ng mga pulis ang kanilang trabaho.

Sabi pa nga ng tito ni Kae na si Vince Davantes tungkol sa ginagawang imbestigasyon ng PNP,

The police have studied this deeply. We have nothing bad to say about them. They have been working 24/7 and are in constant coordination with us.

Mabuti naman. Sana ganito rin sila sa lahat ng kasong hinahawakan nila, hindi lang dahil napapabalita itong kay Kae sa media. Worse, dahil maykaya ‘yung mga naging biktima at hindi mga kung sinong mahihirap lang d’yan sa tabi. Wag naman sana. Ibibigay ko this time sa ating pulisya.

Sa ngayon, robbery ang nakikitang motibo sa pagpatay kay Kae. Pero medyo malabo ‘to for me kasi hindi naman kinuha ‘yung kotse n’ya. Nabawi na ng mga pulis ‘yung sasakyan a few days ago, so baka hindi s’ya simpleng robbery lang. Malabo rin namang rape kasi, sa pagkakaalam ko, hindi naman yata “nagalaw” ‘yung biktima.

I’m thinking na baka personal vendetta ‘to. Sa tingin ko, baka kakilala ni Kae ‘yung pumatay sa kanya. Kung ano man ang dahilan nito, ‘yun ang hindi ko pa mahulaan. Pwedeng dahil sa pera o kaya e dahil sa love. Love? Labo. Basta, bahala na ‘yung mga pulis d’yan. Sana talaga e mahanap nila ‘yung (mga) pumatay at mabigyan ng hustisya ang babaeng ito.

Kung may impormasyon ka at gusto mong magkamit ng P2 milyon, pwede mong kontakin ang PNP sa mga number na ‘to: 0917.847.5757; 0919.282.1142 o 723-0401 to 20. Pwede rin namang mag-text sa (PNP) 2920, o mag-tweet @ireport_krimen, o mag-post sa Facebook account ng PNP, facebook.com/pnp.pio