Tren, Tren, Tren

by Sankage Steno

Sa dami ng masasamang balitang natatanggap natin ngayon, baka hindi mo napansin ‘yung plano ng DOTC na pag-aralan ang posibilidad ng pagkakaroon ng subway sa Metro Manila. Ibig sabihin, kapag nalaman na ang magagastos, pati na rin ang mga dapat  paghandaan para maging posible ‘to, masisimulan na ang paggawa nito bago pa umalis sa pwesto si PNoy.

Katulong ng gobyerno ang Japan International Cooperation Agency sa pagbuo ng feasibility study para nga sa isang underground train system sa bansa. Ito kasi ang naiisip na isa sa mga solusyong pwedeng i-apply para malutas ang malaimpyernong traffic sa Metro Manila.

Alam mo kasi, ayos sa study ng JICA, nalulugi raw tayo ng P2.4 bilyon araw-araw dahil sa matinding trapik. Grabe. Dadaigin pa nu’n ‘yung kinurakot na P10 bilyon ni Napoles in 10 years. Jusme! So sa ngayon, feeling ko talaga e magandang plano ‘to ng ating pamahalaan. Pero hindi lahat e masaya rito.

Nu’ng lumabas ang balitang ‘to, maraming netizens na agad ang umalma. Narito ang balita. May punto naman. Dapat ngang unahin muna ang pag-aayos sa MRT at LRT, sa mga sira-sirang daan, pati na rin ang mga kanal natin at sewage system para hindi na binabaha tuwing umaambon. Yes, ambon. Kainis.

Agree din naman ako, pero may deal yata ang bansa natin at ang Japan kaya balak magtayo ng subway sa EDSA. Feeling ko isa ‘to sa mga kapalit sa tulong na ibinibigay sa ‘tin ng Japan: na kailangan nating magbayad sa kanila para gawan tayo ng isang magandang underground train system. Posible ‘yun. Feeling ko nga ‘yun ang source nito e.

Anyway, hintayin na lang natin ang mangyayari. Personally kasi, gusto ko ng mga tren, at kahit prefer ko ang tren na nasa ibabaw ng lupa, hindi rin naman masama kung underground. Anlakas kasing maka-first world sa pakiramdam. ‘Yun nga lang istasyon ng LRT sa Katipunan, gandang-ganda na ‘ko e, pa’no pa kaya kung buong kahabaan ng EDSA e may ganu’n? First world na first world ang dating.

For the meantime, at bilang pampakalma na rin sa mga netizen, heto ang larawan ng pinaplanong tren na idadagdag sa ating MRT. Ang ganda n’ya, parang any-any magiging robot s’ya. Transformers lang, ganyan.

Image