Dapat Ituro ang Stock Investing sa High School

by Sankage Steno

Nabasa ko ‘yung Stock Smarts ni Marvin Germo at, men, taena, sobrang nganga ako. Sa loob-loob ko, “Bakit ngayon ko lang nalaman ‘tong mga bagay na ‘to? Bakit ba hindi tinuro sa ‘kin nu’ng high school o college ‘yung tungkol sa stocks at sa stock market? Bakit ngayon ko lang nalaman ‘to?”

Ansakit-sakit sa dibdib na ngayon lang ‘to dumating sa buhay ko and, at the same time, nakaka-inspire din na sa wakas e naliwanagan na ‘ko [Insert shining, bright light above head]. Medyo nanghihinayang ako sa mga panahon at perang nasayang ko noon na dapat sana e inilagak ko na lang sa stock market.

Biruin mo, tumubo na ‘ko nang malaki-laki kumpara sa savings o time deposit accounts, nakatulong pa ‘ko sa pag-unlad ng ekonomiya.

Fundamentals pa lang naman ang natututunan ko sa pag-i-invest sa stocks at alam kong marami pa ‘kong kakaining bigas, pero anlaking tulong na ‘yung maintindihan ko kung pa’no ang kalakaran sa mercado, kung pa’no ako kikita o malulugi sa stocks, kung pa’nong in the long run e magandang investment ‘tong stocks kesa mag-ipon lang sa bangko (although hindi ko sinasabing masamang mag-impok sa bangko), at marami pang iba.

Kasi kung sa savings account ako maglalagay ng pera na may annual interest rate na 0.5 percent, ganito mangyayari sa ipon ko: Kung may P10,000 ako sa bangko, after one year, magiging P10,050 lang pera ko. In 10 years, tutubo lang ako ng five percent o P500. Imagine, in 10 years, P500 lang kinita ko.

Kung sa time deposit naman na may tubong two percent kada taon, ‘yung ipon kong P10,000 e magiging P10,200 matapos ang isang taon. After 10 years naman, magiging P12,000 ang total money ko. Kumita lang ako ng P2,000 sa loob ng isang dekada. Anliit nu’n! Baka mas malaki pa ‘yung ibinaba ng halaga ng pera ko dahil sa pagtaas ng mga bilihin.

Whereas kung ilalagay ko s’ya sa stock market, posibleng after a year e tumubo ako ng 10 percent. So ‘yung P10,000 ko e magiging P11,000 sa loob lamang ng isang taon. Conservative pa ‘ko sa lagay na ‘yan kasi may mga kumpanyang lumalaki ng hanggang 4,000 percent in 10 years. Just imagine, ‘yung P10,000 ko multiply mo sa 4,000 percent, magiging P400,000! Isipin mo ‘yun, iniwan ko lang ‘yung pera ko du’n, tumubo na nang ganu’n. Ni hindi ako nagbanat ng buto.

Pakshet.

Pero hindi naman laging success story sa stock market. Kung pwedeng lumaki ng 4,000 percent ang pera ko, pwede ring malugi ng 4,000 percent. Pero hanggat di ko ibinebenta ‘yung stocks ko, hindi talaga ako lugi. Lugi ako in idea, pero in cash, hindi talaga. The same way na ‘pag tumaas ‘yung stocks ko, in idea lang s’ya na mataas hanggat hindi ako nagbebenta. So kung lugi ka, edi wag magbenta. Kung tumubo naman, benta or hintayin pang lumaki nang lumaki.

Grabe.

Kaya nananawagan po ako kay Bro. Armin Luistro sa Department of Education, pati na rin kay Ma’am Patricia Licuanan sa Commission on Higher Education. Baka naman pwedeng ipasok sa curriculum ng Philippine education ang pagtuturo at pag-aaral ng basics sa stock at stock market. Idagdag kaya sa Grade 11 o 12? Elective sa College kaya? Anlaking tulong nito kung bata pa lang e financially smart na ‘yung karamihan sa mga Pilipino.

Ngayon, sure akong may regret na ‘ko sa buhay. Sayang at hindi ko agad natutunan ‘to nu’ng hindi pa ‘ko tuli… este, nu’ng hindi pa ‘ko nakakatapos sa pag-aaral.