The Typist

by Sankage Steno

Nothing much is happening in my world right now, kaya nag-decide akong mag-practice na lang sa pagta-type. Hindi ko naman talaga kailangang gawin ‘yon dahil touch typist na ‘ko matagal na panahon na. Gusto ko lang na may gawin para masabing productive… kahit di naman talaga.

Considered kang touch typist kung kaya mong mag-type ng at least 50 words per minute (wpm). Ang best record ko today e 81.40 wpm na may accuracy of 99.06 percent. Best ‘yan. Ang average ko e 71.28 wpm.

Impressive? No. Nu’ng tiningnan ko kasi ‘yung top scorers sa site na pinagpa-praktisan ko, ang highest ay si user434 with 194.28 wpm.

Hayup.

Hindi ko sure ang accuracy rate n’ya at kung ga’no kahaba ang kanyang tinype pero di na mahalaga ‘yun. Basta ang sure, di hamak na mas magaling s’ya sa ‘kin. Ni hindi man lang ako umabot sa kalahati n’ya. Although hindi naman ako naiinggit talaga. Sa pagsusulat kasi, hindi naman mahalaga kung ga’no ka kabilis. Mas mahalaga pa rin ang content.

Pero kung encoder o transcriber ka at may quota ka lagi araw-araw, mahalaga ang typing speed. Buti na lang at hindi ako encoder o transcriber. Parang hindi ako tatagal sa ganu’ng trabaho. Nakakaburyong kasi kung puro ganu’n ang gagawin ko araw-araw. Maliban na lang kung ang ita-transcribe ko e magagandang libro na ipa-publish pa lang. Jusme, baka mag-volunteer pa ‘ko sa pagta-type.

Ngayon kung gusto mong talunin ang record ko o kung gusto mong malaman kung touch typist ka o hinde, punta ka sa site na ‘to: Click Mo ‘Ko

Marami pang ganyan sa Internet. Hanap ka lang ng patok sa panlasa mo. Kung wala ka namang ginagawa masyado sa office, bakit hindi ka mag-typing test? Better yet, magbasa-basa ka ng balita o DIY things o stories. In my case, bored na rin ako sa mga binabasa ko kaya typing test muna. O s’ya, boring na rin ‘tong sinasabi ko. Test na ulit.